First day ko ulit after kong masuspend. Parang deja vu lang kung paano ko sinalubong yung junior year na ito. Pagpasok ko pa lang ng gate ay pinagtitinginan at pinagbubulungan na ko ng mga madadaanan ko. May ilan namang bumabati pero makikita mo ang simpatiya sa kanilang mga ngiti. At dito, sa eksaktong corridor kung saan kami nagkita ni Mac nung panahon yun, ay nagkita kaming muli. Pero kung nung nakaraan ay masaya nya akong sinalubong, ngayon naman ay makikita mo ang pagdadalawang isip sa kanyang mukha kung sasalubungin nya ba ako o hindi. Wala akong nagawa kundi tumungo na lang at dumeretso ng paglalakad patungo sa classroom.
• • •
[flashforward]
Two weeks na ang nakakalipas. Natapos na rin ang final exams and this is our last week na sa pagiging Junior pero hanggang ngayon nagkaka-ilangan pa rin kami ni Mac.
"Guys, magkakaroon tayo ng outing. Tayo kasing Juniors ang naging overall champion sa intrams at sa pagkakaalam ko, pati ibang sections magkaka-outing din kaya nagyayaya yung adviser natin. Kung sino mang gustong sumama, lumapit lang saken at magpalista para rin macompute natin yung ambagan. Salamat." announcement ng class president samin.
"Uy sama tayo!" yaya ni Bing samin ni Mac.
Naging awkward yung atmosphere dahil sa sinabi ni Bing kaya naman nagpapakiramdaman kami ni Mac ng isasagot.
"Hoy Mac, ikaw, MVP ka kaya di ka pwedeng mawala dun. Nakakahiya ka pag di ka sumipot. At ikaw naman James... dali naaaa. Sumama ka na pleaseeee para sakennnn." sabi ni Bing habang nagpapacute saken.
Dahil sa magaling na pangmamanipula ni Bing, sabay kaming napatango ni Mac.
• • •
[vacation days, night before ng outing]
typing...
JAMES: Uy Bing, paano ka pupunta sa venue?
BING: Ihahatid ako ni Dad, ikaw ba?
JAMES: Ah.. eh.. wala akong masasakyan e. Baka di na lang ako sumama neto.
BING: Osige na. Dadaanan ka na namin. Pwede mo naman itanong kung pwede kang sumabay e. Hahaha.
JAMES: Hahaha. Kilalang kilala mo talaga ko. Salamat!
• • •
[outing]
Naging maayos naman ang daloy ng outing saken. Buti na lang magaling magbalanse itong si Bing. Kahit alam nyang may tension sa pagitan namin ni Mac, nagagawa nya kaming i-entertain kahit magkahiwalay kami ni Mac. Ang kaso...
BINABASA MO ANG
I hate you, Mac
RomanceHow long will the studious, top-student, James, hide his feelings towards the campus heartthrob and his best friend, Mac? What happens to a person who keeps on hiding his feeling for someone? Will it be really good to keep looking from afar? This is...