Chapter 26.5 [Special Chapter]: Aden

86 0 0
                                    

Flashforward.

Isang normal na araw. Naglalakad ako sa garden ng school, pauwi na sana ako pero parang may napansin akong pamilyar na mukha sa may bench. Si Aden. Pero bakit mag-isa lang sya?

"Aden!" tawag ko habang papalapit sa kanya.

Si Aden ay isang freshman kagaya ko, pero Fine Arts student naman sya. Sikat sya dito sa campus kasi sya ang president ng student council sa freshmen level. Sya rin ang tumulong na magkaayos kami ni Mac nung panahong nagkaroon kami ng maliit na away. Kaya naman simula nun, gumaan na ang loob ko sa kanya.

"Oh James, anong ginagawa mo rito?" tanong nya saken.

"Wala naman. Pauwi na sana ako pero nakita kita rito kaya naisipan kong bumati. Bakit nga pala mag-isa ka lang?" tanong ko.

"Ah. Wala. May hinihintay lang ako." sagot nya.

Tinignan ko lang sya na may halong pang-aasar dahil mukhang kilala ko kung sino yun.

"Siraulo! Haha." natatawa nyang sabi.

"Bakit mag-isa ka lang? Asan si Mac?" tanong nya saken.

"Ah. Wala. Taliwas pa rin sched namin e. Baka papasok pa lang yun." sagot ko naman.

"Nag-aaway pa rin ba kayo?" tanong nya.

Napahinga ako ng malalim dahil sa tanong nya.

"Actually, kababati lang namin ulit." malungkot kong sagot kay Aden.

"Pwede ba kong mag-open up at humingi ng advice kahit saglit?" tanong ko sa kanya.

"Sure! Oo naman." masaya nyang tugon.

"Si Mac kasi, habang tumatagal, napapansin ko, unti-unti na syang nagbabago." panimula ko.

"...Hindi na sya yung Mac na nakilala ko dati na sobrang thoughtful, sensitive sa feelings mo, very understanding... yung Mac na laging nanjan para pagaanin ang loob mo. Di ko lang alam kung naiimpluwensyahan ba sya ng mga roommates namin or masyado lang akong possessive." dugtong ko pa.

"Alam naman nating lahat na change is inevitable." panimula nya.

"...A part of our life is expanding our social life too. Maybe dahil magkasama lang kayo araw-araw at nasa iisang bubong na kayo, kaya mas nakikilala nyo na yung different sides ng isa't isa. If you really treat him as your friend and if you really love him, hindi lang yung good and sweet sides yung mamahalin mo sa kanya. You have to remember that everyone has flaws, including you."

"It's not always na dahil bida ka sa kwento mo, you are already this perfect, no flaws, human being na. May kwento rin sya na kailangan mong alamin at intindihin, kung bakit sya nagbabago." explain ni Aden.

Napaisip ako sa mga sinabi niya. Tama naman ang lahat. I should not expect the very best from Mac. I think I should begin accepting the fact na hindi lang naman saken umiikot ang mundo nya. And I, myself, should explore his world as well. Lalo na sa sitwasyon ngayon na hindi na kami masyadong nagkakasama ng sobrang dalas.

"Salamat Aden ha?" tangi kong naisagot sa kanya.

"You know what. Since you look so lonely, Im giving these three tickets to you. Perks yan ng pagiging president ko and nakapunta na naman kami ng friends ko sa unang concert nila. Maglibang ka muna and please wag mong tanggihan. Sa sabado na nyan ha!" sabi nya sabay abot ng tatlong tickets ng concert ng KathNiel.

Tinanggap ko naman ito since ayaw nyang tanggihan ko yung binibigay nya. Kaya naman nagpasalamat ako.

"Oh ayan na pala yung hinihintay ko." sabi ni Aden kaya naman napalingon rin ako.

"Oh James, nandito ka pala? Kamusta?" bati ni Calix saken, ang munchkins ni Aden.

"Kunin ko muna itong munchkins ko sayo ha? May date pa kasi kami e." pang-aasar ni Calix kay Aden, kaya naman hinampas ito ni Aden sa braso habang may kilig sa mga ngiti nya.

"Sige na James. Salamat sa time ha! Ingat ka sa pag-uwi. Bye!" paalam ni Aden at kumaway rin si Calix saken.

"Sige. Salamat nga rin pala rito sa mga tickets. Enjoy kayo! Haha." paalam ko rin sa kanila.

Napahinga ako ng malalim. Kinuha ko na rin ang bag ko at umalis. Hayyy. Sana all...

•   •   •

up next

Chapter Twenty Seven
Type Na Type Nga Ako Nun

•   •   •

please

Vote

Comment

and Share to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

I hate you, MacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon