Chapter 18: Agatha

100 1 0
                                    

"Welcome to Senior Year. This is your very last year here in our school, yun ay kung lahat kayo ay papasa. I want you guys to make the most of your last remaining days here, so Im requiring all of you to join different extracurricular activities."

"Each activities throughout the school year is equivalent to 1pt, pero depende, kung runner-up kayo, you will get 2pts and kung champion naman, you will get 3 points. Before this school year ends, you must get 30pts para pirmahan ko yung clearance nyo."

"And dun sa mga running, automatic na to sa inyo, alam nyo naman kung gaano kalakas humatak yung mga extracurricular activities, jan nagbabago yung rankings pagdating ng recognition day kaya wag kayong makampante, okay?" intro ng adviser namin.

Grabe naman, first day pa lang, stress agad binigay ng adviser namin. Ni hindi pa nga sinasabi pangalan nya e. Hayyy.

"Bago ko kayo idismiss, I want you to pick a partner para sa reporting nyo. Then ilista nyo yung names nyo sa 1/4 at isubmit saken. Next meeting ko ibibigay yung assigned topics, okay?" sabi ni Ms. Dee.

"James m-" na-interrupt na sa sabi ni Mac.

"Hi James, Pwede ka bang maka-partner? I dont know any of this people yet e, and you seem nice kasi kaya nagreach out na ko sayo." sabi ng katabi ko na si Agatha. Isa sya sa mga bago dito sa section namin. Dati daw syang madalas mapunta sa section 2 or 3 at ngayon lang sya pinalad na makapasok sa star section.

Napaka-awkward ng sitwasyon na ito kasi hindi ako yung tipo ng tao na marunong humindi, specially kung maayos namang nakiusap yung tao. Pero syempre, Im more comfortable kung kaibigan ko yung makakapartner ko diba?

"Ah... eh... sige. Okay lang." awkward kong sagot kay Agatha.

"Yay! Thank you James!" masayang sabi ni Agatha sabay sulat ng pangalan namin sa papel.

Tinignan ko si Mac at kitang-kita sa mukha nya na nainis sya sa ginawa ko.

"Bing. May partner ka na? Wala pa kasi ako e." sigaw ni Mac kay Bing. Naka-alphabetical order kasi kaya medyo malayo si Bing samin.

"Okay. Sige. Sulat ko na ha." sagot naman ni Bing kay Mac.

"Galit ka?" nahihiya kong tanong kay Mac pero hindi nya ko sinagot. Mukhang galit nga sya.

•   •   •

[Recess]

"Mac! Im so sorry naaaa. Alam mo namang hindi ako marunong tumanggi e. Ang bagal mo kasi, naunahan ka nya tuloy." sabi ko kay Mac.

"Hoy Mac, parang sising-sisi ka sa nakapartner mo ha? Hanggang ngayon nagtatampo ka kay James? Maghiwalay din naman kayo minsan." sabi ni Bing.

"Hoy Bing, hindi naman sa ganun. Buti na nga lang wala ka pang kapartner e. Ang saken kasi, pwede naman nyang sabihin na may partner na sya, pero di nya yun sinabi." naiinis na sabi ni Mac.

"Mac, kasi naman syempre may tenga yun, naririn-" naudlot kong sagot kasi...

"Hi James, pwede akong makiupo sa inyo? Wala na kasing available na table e?" si Agatha, dala-dala ang tray nya.

"Ah... Ehh... Sure. Sige. Okay lang." sabi ko sabay urong para magbigay ng space sa kanya.

Nakita ko yung pag-side eye si Bing at pag-iling ni Mac tanda ng pagdisagree nila sa ginawa ko. E anong gagawin ko? Ang rude naman kung sabihin kong hindi pwede diba?

"Uy James, magkakaron nga pala ng cooking contest since Nutrition Month ngayon. Kailangan ng tatlong tao para makabuo ng team. Sali tayo? Sayang yung point. Di natin alam kung gaano karaming activities yung mangyayari this year, baka mamaya saktong 30 lang yun, sayang to pag pinalampas natin." yaya ni Agatha saken.

Bes, tatlo kaming solid na magkakaibigan at apat tayo sa table na ito. Txngina. Ito yung disadvantage ng pagiging nice guy, minsan ikaw pa maiipit sa mga sitwasyon. Hayyy. Napatingin ako kila Mac at Bing at naghihintay ng senyas nila kung anong dapat kong gawin. Kaya naman nagsalita na ko.

"Guys, kayo? Gusto nyo bang sumali?" awkward kong tanong sa dalawa.

"Ah ako, ayaw ko. Takot kasi akong mapaso at saka sa mantika. Kayo na lang tatlo nila Mac. Im sure, may iba pa akong masasalihan." sabi ni Bing.

Phew! Problem solved. Buti na lang talaga tumanggi si Bing, kung hindi, baka mawalan ako ng isang kaibigan. Pero nakita ko sa mukha ni Mac na hindi sya 100% na agree sa magiging team namin. Makikita mo sa mukha nya na napilitan lang sya.

•   •   •

up next
Chapter Nineteen:
Kundiman 2.0

•   •   •

please

Vote

Comment

and Share to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

I hate you, MacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon