Chapter 31: Masama Ba Ang Ma-inlove Sa Kaibigan?

150 3 4
                                    

Isang taon ang makalipas. Nakagraduate na ko at ngayon ay nagttrabaho na sa isang maayos na kumpanya. Ilang na taon na rin kaming strangers ni Mac sa isa't isa pero sariwa pa rin saken ang lahat.

Walang araw na hindi tumakbo sa isipan ko ang pangbabackstab nya saken. Araw-araw ko pa ring naririnig ang mga salitang nanggaling sa kanya nung araw na yun.

Pero tanga ba ko kung sasabihin kong kayang kaya ko syang patawarin agad kung magssorry sya ngayon din? Tanga ba ko para umasang babalik pa rin ang lahat sa dati? Ilang taon na pero hindi pa rin ako maka-move on. Samantalang sila ni Bing ay going strong pa rin hanggang ngayon.

Sabi nila, you need to meet new people para naka-move on. Pero bakit ganun? Kahit may mga taong pumapasok sa buhay ko at magpakita ng interes saken, ay hindi maiwasang makumpara sila kay Mac? Hindi ko maiwasang isipin na wala pa ring makakapantay kay Mac. Gusto ko si Mac pa rin. Kahit hanggang kaibigan lang ulit kagaya ng dati.

Ngayon ko kayo tatanungin, masama ba ang ma-inlove sa kaibigan? Kung oo, bakit? Ano yung boundaries? Communication ba talaga? Feeling ko hindi. Kasi kung communication, never ko namang inamin kay Mac ang nararamdaman ko sa kanya, pero alam nyang type ko sya. Love is in the air ika nga, kaya nga nakarating sayo at naramdaman mo yun Mac eh.

Gender? Maybe. Bakit naman si Bing pinayagan mong makapasok sa puso mo? Kung tutuusin, mas marami tayong pinasamahan. Yung apat na taon ba natin sa high school, panggagamit lang ba talaga ang lahat ng yun Mac? Kahit ba minsan, hindi mo ako tinrato na kaibigan? Stepping stone lang ba talaga ko sayo?

Ikaw naman Bing, akala ko ba friends should be there during the peaks and depths of their lives? Nasan ka na ngayon? Bakit kung kelan nasa point na ko ng pinakamalalim na part ng buhay ko, kahit isang letra mula sa bibig mo, wala akong narinig? Kahit anino mo, wala. Kagaya ka rin ba ni Mac, na matapos akong gamitin ay kakalimutan na lang ako? I feel so used.

Alam ko namang matagal ng natapos at nagsara yung final chapter sa istorya namin ni Mac. Kahit ano mang ulit kong basahin ang libro namin, di na talaga ito masusundan ng isa pang magandang chapter.

Alam kong hindi lahat ng story may happy ending. Pero nakakalungkot lang isipin na sa dinami-dami ng istorya at sa dinami-dami ng nagkaroon ng happy ending, kami yung hindi nagsucceed.

Nga pala, maraming salamat sa pakikinig nyo ng istorya namin ni Mac. Hanggang dito na lang mga kaibigan. This is James Arthur Delvalle, signing off.

--- THE END ---

DONT LEAVE JUST YET!
PLEASE KEEP ON READING!

Minsan akala mo, sa istorya mo matatagpuan ang final chapter ng kwento mo. Pero minsan, sa iba pala.

November 7, 2020

"PAANO KUNG MA-INLOVE SAYO ANG KAIBIGAN MO?"

a #MacJames story:
Season 2


"Every story has two sides. Now it's time for you to hear mine." - McHenry Delaville.

" - McHenry Delaville

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I hate you, MacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon