Twenty First

87 6 2
                                        

Ryseann

"Get ready for your final exams next week. I wish you all the best. Review well and class dismissed."

I packed my things. Next week nanaman pala ang finals namin at kailangan ko nanamang mag-aral nang mabuti. I still want to be on the Dean's list this year. Yan talaga ang goal na palagi kong ini-aim. I want to achieve it. I want not just to make my Dad or Mom proud but I also want to achieve that to make myself proud.

Mabilis na lumipas ang araw and my girlfriend and I were doing great. She's actually my inspiration to strive harder in life. Kung dati, nag-aaral lang ako ng mabuti para sa akin at para sa parents ko. But now, I am also studying for her.

Para sa future namin.

The years will soon end again. Patapos nanaman ang second year college life ko and after that, medyo busy na ako niyan. Third year na ako and works will be heavier.

"May club meeting tayo ngayon ah." Sabi ni Echo. Siya ang bago naming Club President dahil wala na rin sina Julian, third year na sila.

I became the Vice President kapalit ni Isa. Ewan ko nga kung bakit. "Yeah. Pupunta na ako niyan. May dadaanan lang ako sandali." I smiled.

"Shet! Sana all nalang Sean! Musta kayo ng jowa mo?"

Chismoso din pala ito eh. Hayst!

"We're happy. Happier than before." I replied.

"Yieeut! I-reto mo naman ako. May kakilala ka ba?"

"Wala. I don't entertain any girl except for my girlfriend."

"Shit! Loyal!" He teased me again and I just chuckled.

Nauna ng pumunta si Echo sa Club room namin. Actually, we will be talking about an overnight camping outside the campus. Yan yung meeting namin mamaya. It's a way of bonding with each other and that will also serve as our farewell to our club members for a memorable and joyful year.

We will also be having tree planting activities and an outreach program sa mga Aetas sa bundok. Nakakuha na kami ng permit noon and ginawa rin namin ito last year. We'll just be continuing this kind of charity work this year. Para naman kahit papaano, hindi lang kami ang nakakatikim ng blessings. Pati na din sila at ang environment.


• • • •


"Boom!"

"Ay froggy!"

I laughed upon seeing her reaction. Her face was so priceless! Sana na-record ko yun. Ang sarap sanang ipang-asar sa kanya, kaya lang hindi eh.

"Oh my gosh Ryseann, ikaw lang pala! OMG talaga! I was so surprised! How dare you make gulat me again! My gosh, it's becoming your hobby na!"

"Nakakatawa! Yung mukha mo! Para kang nalugi hahahaha! Babe, ang epic hahaha!"

Hinampas tuloy niya ako at sinamaan ng tingin. "How could you! Stop laughing nga! That's not funny ah!"

"Yung mukha mo kasi!"

"Ugh! Such a bully! Nakakairita ka! Argh! Ryseann, stop na! I'm not natutuwa na!"

She was now glaring kaya umayos na ako ng upo. Namumula na rin ang mukha niya kaya for sure napipikon na siya sa akin. When times like that happens, umaayos na talaga ako. Napakalala pa naman magtampo ng Ice Bear ko. Kung ayaw ka talaga niyang kausapin for a week, hindi ka talaga kakausapin.

The Way You Look At Me (VA Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon