Joerish
I gave up the idea of calling him when I saw him with Rachelle. But what I didn't understand is parang ako pa ang nasaktan. I felt like I was betrayed kahit hindi naman talaga. Or maybe I was betrayed by my own self? To be honest, oo, na-aattach nanaman ako kay Ryseann. Isang bagay na sobra kong kinakatakutan. I told myself not get along with him again pero heto ako, muli kong nilapit ang sarili ko sa kanya.
And then reality slapped me.
It made me woke up.
It made me want to stop whatever I am doing. Dapat talaga nag-focus nalang ako sa workmate set-up namin. Besides, we met again because of work. Dapat hanggang doon nalang yun.
Ayaw ko nang lumampas pa doon ang kahit anong relasyon namin.
Ayaw ko ng masaktan ulit.
Ayaw ko nang magmahal ng taong may iba ng mahal.
"Oh Ma'am, nasaan na po si Engineer? Nakita niyo po ba siya?" Angelo asked again.
"Yeah, I saw him. But he is with his wife kaya hindi ko na siya inistorbo." I crossed my arms and looked away. Naiinis pa din kasi ako sa sarili ko.
"Wife?" Angelo asked again looking so confused.
Hindi ba niya alam? Oh well, he's also an employee rin naman ni Ryseann. I bet wala naman siyang gaanong alam about sa personal life ng boss niya kasi hindi naman siya yung tipo na mukhang mga chismoso.
"Yeah. Anyways, just enjoy the food. Aalis na rin ako niyan cause I have some errands pa sa office. Just tell Engineer Santos na dumalaw ako." I said.
"Okay po. Ayos lang ba kayo Ma'am? Bakit parang sobrang disappointed po kayo?"
"I'm fine and I am really good." I smiled.
What a lie it is.
With that, iniwan ko na sila doon and I drove back to my office. I didn't bother na magpakita pa kay Ryseann cause he is talking with Rachelle pa din. Ayaw ko namang mang-istorbo at mang-epal sa usapang mag-asawa nila. While driving, hindi ko maiwasang mapatingin sa kamay kong nakahawak sa steering wheel. My eyes suddenly focused on the ring Ryseann gave me.
Why did I even wear this?
It is making me like his mistress or his desperate lover na nangangailangan ng matinding atensyon.
Next time, hindi ko na talaga isusuot ang kahit anong galing sa kanya. Dapat talaga itinago ko na ang lahat ng yun a long time ago so that I won't be bothered by its presence.
"Hi Ma'am, kumusta po ang pagbisita?" Marie asked me.
"Don't even bother asking Marie, it's not good."
"Bakit po? Wala po si Engineer Santos?" She asked.
"Nandoon siya and his wife is also there. Let's not just talk about him. I just can't understand what I am feeling. Parang akong malungkot, naiinis or disappointed. Basta! Hindi ko maintindihan kaya ayaw ko nalang pag-usapan." I rolled my eyes then crossed my arms nang makaupo ako sa aking swivel chair.
I noticed na parang litong-lito si Marie sa sinabi ko. Oh well, my tongue slipped too much again. I've gone overboard nanaman! Hindi nga pala gaanong alam ni Marie ang nangyayari sa personal life ko and here I am, napasobra nanaman ng daldal.
Hindi tuloy yata niya ako maintindihan.
"Uhm... hindi ko po maintindihan." She smiled awkwardly.
BINABASA MO ANG
The Way You Look At Me (VA Series 2)
Teen FictionVESTIBULUM ARCU SERIES no. 2 Ryseann Santos, a handsome and outstanding college student was still stuck and heart broken with his first love, Abigail Mendoza. Along his way in finding himself and looking for the real meaning of love, he intertwine...
