Disclaimer: This is a work of fiction.
READ AT YOUR OWN RISK.
This chapter is full of convo like kaya read at your own risk talaga hehe
#AKA01 Chapter 01
My mind is still fighting if I will still download this dating application, super bored na ako sa nangyayari. Di maka labas dahil delikado.
Kaya habang nag-iisip tumayo ako para tumulong dito sa gawaing bahay.
Napaisip ako, ba't ba kase ako pumunta dito pero pag asa Ilocos ako sure ako mabobored lang ako at magigipit lang ako kase iilan lang naman ang padala ni papa saakin at baka magalit lang yung step mom ko, di na nga kami close eh. Iba padin naman sa Ilocos kase andon sila Nics at Fergus o kaya si Yannie na kasama ko sa paggala. Ubusan ng pera ganon! Ang sakit sa ulo isipin!
Nang matapos ako sa lahat ng gagawin ko at alas tres na ng hapon. Ang bilis ng oras. Na excite ako kung ano nanaman ang papanoorin ko. Kaso naisip ko nanaman kung idodownload ko yang tinder na yan, pero di ko na napansin at napunta na ako sa play store.
Nagulat ako dahil yung number ko ay naka snyc pala sa tinder account ko na dati.
Napa ngiti ako at di mapigilang makilig sa mga nakikita ko, ang popogi ng mga lalaki sa Manila. Hindi ko rin naman itatanggi na medyo matangkad na lalaki ang tipo ko kaya pag may nakikita akong naka lagay sa bio nila na height nila napapatingin ako.
May mga ilang naka match ako pero isa 'to na hiningi ang social media account ko, ako naman si marupok binigay. Natawa ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko.
Natanong ko sakanya kung ano talaga ang height netong si John.
"6 flat ako tas mag 18 palang ako next year" sagot niya sa aking tanong sa chat. Ako nga flat lang eh.
Nagulat naman ako, sis! Ang tangkad niya pero asa dugo na daw nila yon. Napa isip tuloy ako, matangkad naman ang mga asa angkan namin pero bakit 5'7 lang ako?
"Hayaan mo na! Cute size naman ako at maganda din hehehe" bulong ko sa sarili ko.
Lumipas ang araw na may mga iba't ibang nakakausap ako at makaka match, may mga nagtatagal at meron namang hindi.
Natulog ako at nagising ng mga 11 am, usual routine lang naman gagawin ko, gigising tapos mag luluto habang naglalaba tas magbabantay after mag hugas ng pinagkainan.
Nang tignan ko phone ko nagulat ako sa dami ng naka match ko at nag chat.
Di naman sa pag mamayabang pero maganda ako sa mga picture na nilagay ko, asa anggulo lang talaga at mukha akong matangkad sa ibang picture. Extra points!
Naaliw naman ako dito sa naka match ko na pusa ang picture at isang picture ng matandang mag-asawa na nagpipiano na may qoute "I'm always tired but never of you" and that hits me hard na sana lahat ng tao hindi napapagod sa taong mahal nila tapos bigla ko din naisip na lahat naman may hangganan.

YOU ARE READING
A kilometer away
Hài hướcQuarantine made them meet. They match in a dating app and talked for a while after talking for hours they lost their connection and because destiny is not against them they meet again. That's how they become close but destiny this time didn't want t...