Chapter 21

13 0 1
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. 

READ AT OUR OWN RISK.

#AKA21 Chapter 21

-


 Halos halo halo lahat ng nararamdaman ko. Malungkot padin, pero buo naman na loob ko kung gusto niyang mag-usap kami, mag-uusap kami. Tapos masaya dahil maayos na kami ng mga kaibigan ko, alam ko na kung ano ang nangyayare sakanila. Tapos, kinakabahan naman dahil sa demandahan na mangyayare sa ex ni Sophie. Buti talaga medyo matangkad si David para malabanan niya yun. 


Nag-unat ako at tinignan ang phone ko. 2pm na? Ang haba ng tulog ko! Naka ramdam na din ako ng gutom. Ikaw ba naman uminom at sumuka at umuwi ng 3am, tapos wala pang kain. 


Tumayo na ako at pumunta sa kusina. Andon si Shiva, nag-dradrawing. 


"May lalake sa labas, ayaw niyang pumasok. Kanina pa yang 10 am." 


Tumakbo ako palabas. 


Naka upo nga siya sa bench sa labas, grabe kumain pa kaya 'to?


Nagulat siya ng makita ako sa labas ng pinto. Pumasok ako uli dahil narealize ko hindi pa ako nag-hilamos kahit nagtoothbrush man lang. 


Sumigaw ako sa pinto. "Sandali! Mag-aayos lang ako!" 


Hindi na siya sumagoot kaya nagmadali na akong nag ayos. Nag-palit na din ako ng maayos na pang-alis. Hindi naman kami pwede mag-usap dito dahil mainit sa labas and ang daming dumadaan na tao. 

"Halika na, sa Starbucks na tayo! Libre ko." Nauna na akong maglakad kesa sa kanya. 


Pagdating namin sa Starbucks at naka-order na kami. Walang nag-sasalita saamin, sinabi lang niya order niya at yun lang. Nanlibre ako kase nagpadala si papa ng pamasahe ko umuwi ng Ilocos and binigyan niya ako ng regalo dahil sa na-achieve ko. 


Nag-phone nalang ako at nag-chat sa mga kaibigan ko. Bahala siya kung ayaw niyang mag-salita. Willing ako maki-pag usap pag siya ang mag-sisimula ng convo hindi yung ako pa. Siya kaya may kasalanan. 


Pag 30 mins wala pa akong narinig na salita niya, bahala na siya. 


Tumayo siya at nag-order ng food. Nagutom din lang, hala same nagugutom na ako. Nag-order lang ako ng drinks namin kase yun lang sabi niya kanina na gusto niya. 


"I ordered food for us, i know gutom ka na." And he gave me the food he ordered. 


"I can't go last night kase nahihilo ako at sobrang pagod." Tumango tango lang ako. Papakinggan ko siya sabi ko. 


"Lowbat talaga ako kagabi, kaya hindi ako maka-paalam sayo. Pumunta ako sa apartment niyo noong matapos akong maligo pero wala ka na don." 


Syempre, naki-inoman na ako sa mga kaibigan ko kase kung uuwi ako baka umiyak lang ako. 


"Then i can't call your phone. I am really sorry." Is he really sorry for doing that? Mag-babago na ba siya? 

A kilometer awayWhere stories live. Discover now