Disclaimer: This is a work of fiction.
READ AT YOUR OWN RISK.
#AKA07 Chapter 07.
Habang nag scroscroll ako sa facebook nagtataka ako bakit ang daming tao na kung ano lang yung nabasa yun nalang agad ang kanilang papaniwalaan. Ni walang maayos na source o kaya di man lang sila nagresesarch about it. Yung iba nga di man lang nila binabasa ng maayos kung ano na yung asa headline yun na ang papaniwalaan nila.
4 hours ago pa itong chat ni Alfie. Di naman sa nagdedemand ako pero miss ko lang siya kausap. Panindigan niya 'to no nabuntis yung puso ko ng pagmamahal niya.
Nakaka down naman bakit kaya wala pa siya? Bakit kaya ang tagal niya mag reply. Pag matutulog naman siya eh nagpapa alam siya atsaka di naman siya yung tipo ng tao na makaka tulog kaagad kase base sa mga kwento niya e pinapatay niya muna WiFi niya sa phone bago siya matulog, di daw siya yung tipo ng tao na pagka higa makakatulog na.
Tsaka sa panahon ngayon e di naman kailangan 24/7 kausap mo jowa mo. Privacy rin nila at self time, nakaka lungkot lang na di siya nag paalam.
Wow kung maka jowa akala mo naman mag jowa kami. Asa pa ako girl eh di ko pa alam mga social media account niya.
"Hey, i'm sorry. Kakagaling ko lang sa condo ko nag ayos kase ako ng gamit eh yung naka babata ko lang na kapatid kasama ko na naglipat at nagbuhat ng gamit."
Ang aga naman niya mag ayos ng gamit. Kakatapos palang ng pasko a. Excited yata 'to na umalis ng Taguig. Atat na atat mag aral ha!
"Bakit ang aga mo naman mag ayos?" Tanong ko sakanya.
"Habang wala pa masyado ako kasabay na mag-ayos. Ang hassle pag day before the opening ka mag aayos kase marami na non akong kasabay mag akyat ng gamit."
Oo nga din naman. Ang hirap kaya na marami kang kasabay tsaka trauma na din sa nangyaring covid. Kaya minsan nasanay na mga tao sa social distancing eh. Kahit na may vaccine na mahirap padin na madapuaan ng sakit ngayon.
"Okay lang? As in?" Pangungulit niya saakin.
Apaka concern naman neto, pag 'to sinabihan ko ng 'Okay lang, wala naming tayo' baka matameme siya.
Di muna ako nag reply sakanya dahil nag lalaba ako, naghintay nalang ako na matapos yung umiikot sa washing machine at para isampay na iyon.
"Can I ask you something? Diba baka kase magtampo ka that's why I want to make bawi, I can accompany you sa paghahanap ng apartment niyo? If it's okay with you?"
Hala ka gagambang may pakpak! Grabe naman ang pabigla bigla ni Atenean a.
YOU ARE READING
A kilometer away
MizahQuarantine made them meet. They match in a dating app and talked for a while after talking for hours they lost their connection and because destiny is not against them they meet again. That's how they become close but destiny this time didn't want t...