Chapter 19

20 0 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction.

READ AT YOUR OWN RISK. 

#AKA19 Chapter 19. 

-


After the EK trip di kami masyadong nagkita ni Alfie. Kailangan niya kaseng iready yung papers niya for his OJT tapos ako sa finals and requirements naman. Malapit na kasing matapos ang school year na 'to. Akalain mo yun, ang daming nangyari, the pandemic is done, i got to meet new people, asa new school ako and may jowa ako! Swerte ko lang. 


Halos room, library, coffee shop at apartment lang ako. Dati hindi pa ako nag-aaral sa apartment kase inaantok ako, pero ngayon walang patawad, natutulog na ako ng madaling araw. 


Kahit busy kami ni Alfie, always padin niya akong pinapa alalahanan na wag pabayaan sarili ko and he always remind me that he loves me. Baby niya talaga ako. Uulitin ko, swerte ko talaga. 


Asa room na ako ngayon habang naghihintay ng professor na mag-bibigay daw ng long quiz. 


"Si Olivia at Sophie candidates para sa top ng department natin" Natawa ako sa sinabi ni Sarah, gusto ko lang naman na maging deans lister at gusto ko na walang mas mababa sa 85 na grades ko , para makakuha ako ng scholarship pag nag law school na ako. Balak ko sa UP mag law school. Magiging iska din ako ng bayan. Hindi naman masama mangarap. 


"Nag-review ba kayo? 25 lang nakuha ko!!" Sigaw ni Ayse sabay taas ng test booklet niya. 


After kase ng test nag check na kami para daw hindi na waste of time bukas. Hindi na daw kami imemeet ng prof bukas at gamitin nalang daw yung oras para mag-review at gumawa ng requirements. 


"Wala talaga yung nireview ko sa test. Ba't ganon sir?! Makakatikim talaga siya saakin" Sigaw niya ulit at ngayon sumuntok naman siya sa hangin. 


"So laswa. My ears!" Sabi ni Sophie na sobrang ikinatawa namin. Iba talaga mga green jokes nila. 


"Tsaka hindi ka talaga nag-review." Singit naman ni Sarah na mas lalong ikina inis ni Ayse. 


Alam kase namin na hindi talaga siya nagrereview. Motto niya in life is, "As long as matalino katabi mo, papasa ka." Kaya si Sophie o ako ang katabi niya. 


After lahat ng long exams umuwi na si Sophie at Ayse, may date daw si Ayse, si Sophie naman uuwi lang. Ewan ko parang these past few days ang lamya niya gumalaw atsaka palagi nalang siyang naka tulala. 


After finals, yayain ko din sila uminom tapos lalasingin ko si Sophie para naman masabi niya problema niya. Ang sama kaya pag palagi niyang sinasarili problema niya. 


Palakad na ako papunta sa library ng mag-vibrate ang phone ko. 


Alfie Dylan calling.....


'hey, where are you?' it took time bago ako maka-salita, miss ko na talaga yung boses niya. Siya lahat, miss ko na siya. 

A kilometer awayWhere stories live. Discover now