Disclaimer: This is a work of fiction.
READ AT YOUR OWN RISK.
#AKA10 Chapter 10.
Tuliro parin ang isip ko at naguguluhan. Ikaw ba naman di mo alam pano ka mag momove on at ano gagawin mo kase in the first place wala namang kami.
Dalawang araw na at di ko parin sinasagot ang mga messages niya sa telegram. Ayoko na kase na maulit yung dati na sakit na naramdaman ko. Natatakot na kaya akong masaktan halos dalawang taon ang ginugol ko para ayusin sarili ko tapos sisirain lang ng isang tao at wala namang kami.
Kahit na di ko siya pinapansin nagchachat parin siya saakin.
"Kumain kana? Kain kana. "
"Don't forget to drink vitamins"
"Can we talk now?"
"Good morning! I'm really sorry"
"Good night. I miss you"
Yan ang iba sa mga messages niya. Kada mag-riring ang phone ko hindi ko tinitignan baka kase mareplyn'n ko siya ng wala sa oras.
An apology without change is just manipulation.
Ayaw ko rin ma stuck sa ganoong type ng relasyon.
Pero malambot talaga ako sakanya may mga oras na gusto ko na siyang patawarin at mag-ayos nalang kami.
But i don't deserve that kind of treatment kaya. Na kung sana nag paalam siya okay pa kami.
Bilib din ako sakanya dahil pursigido siyang mag-chat araw-araw.
-
Maaga akong nagising ngayon dahil mag-lilipat na kami ni Shiv, nagsimula na akong nag-empake. Inayos ko na mga nabiling gamit namin at inilagay na sa maleta ang mga damit ko. Wala naman masyado akong dadalhin dahil uuwi rin lang kami ng sabado at linggo.
Habang nag-eempake ako ay nakita ko yung regalo niya saakin. Yung codal sure ako dadalhin ko yan at yung Instax. Ayan, naalala ko nanaman siya. Hindi na ako iiyak. Hindi na ako iiyak.
Kaya bago pa ako umiyak ay ibinaling ko nalang sa pag-aayos, ayoko ngang mag-drama baka mamalas pa ako.
Ng mag alas-dos na ng hapon ay naligo na ako. Nagsuot lang ako ng simple na shoes at t-shirt at tinuck-in iyon. Nag lotion at lagay lang ako ng relo. Di na ako nag lagay ng kung ano sa lips ko dahil mapula naman ito.
Nagsapatos lang ako at tumulong na mag lagay ng gamit sa sasakyan. Ang nag parami lang naman sa dala namin ay ang mga appliances.
YOU ARE READING
A kilometer away
HumorQuarantine made them meet. They match in a dating app and talked for a while after talking for hours they lost their connection and because destiny is not against them they meet again. That's how they become close but destiny this time didn't want t...