Disclaimer: This is a work a fiction.
READ AT YOUR OWN RISK.
#AKA16 Chapter16.
-
Nagising ako at nakaramdam ng medyo mabigat sa bewang ko.
Pagkusot ko ng mata ko, napangiti ako dahil napagtanto ko na si Alfie ang naka yakap sa bewang ko. Napangiti ako ng todo. Isa eto sa mga araw na sobra talaga ang saya ko. Hindi niya ako binigyan ng dull moments.
Habang naka titig ako sakanya ay bigla siyang nag-salita.
"Stop starring." Sabi niya kaya nabigla ako at tinulak siya sa pagkaka yakap saakin.
Natawa siya at mas lalo akong hinila papalapit sakanya. At hinalikan nanaman ang top ng ulo ko. Palagi nalang diyan pwede naman niyang higupin lahat.
"Ba't ganyan itsura mo?" Tanong niya saakin, naging kami lang palagi na niya akong inaasar.
Tumayo na ako at inalis ang pagkaka yakap niya saakin.
"Wala bahala ka!!!" Binigatan ko pa ang yapak ko dahil sa inis sakanya.
Kaya tawang tawa siya habang asa cr ako. Nagtoothbrush lang ako atsaka dumiretso sa sink para uminom ng tubig.
Niyakap niya ako patalikod kaya ayan nanaman wala na hindi na ako naiinis. Kung may award lang sa pagiging marupok ako na top 1.
Bago pa ako naka alis sa cabin na tinulugan nilang mag-kakaibigan ay napuno muna ng kantyaw. Sakanya na rin daw ako sasabay uuwi, eme. Kung alam niya lang, kahit di na kami umuwi.
-
"Hoy, ikaw ha! Hindi ka pa natulog dito! Ano may nangyare sainyo?" tanong agad ni Nics saakin. Ito talaga parang sagana palagi ang pechay, rainy season kaya siya, kase always na dilig?
Natawa nalang si Nica sakanya dahil sinapok ko siya, ang aga aga yan ang sasabihin niya.
Nakaligo na't lahat ang mga boys na kasama namin. Dahil lalabas na kami sa tinutuluyan namin at iinom nalang kami sa cottege kaya dali dali na akong naligo.
Nag-floral dress lang ako at sandals. May tube swimsuit ito sa loob.
May pamalit pa naman ako, maliligo nalang ako sa resort.
Beer nalang daw iinumin namin dahil uuwi na kami mga 1pm. Ang gago lang nila, ang aga pa 10am umiinom na agad kami habang nagluluto sila ng bbq at mga ihaw na isda.
Habang nagsasaya kami, nakita ko sila Alfie sa kabilang cottage, chill lang sila dahil magdridrive pa sila.
Nginitian ko siya at nagulat ako 'kay nicole dahil ngiting aso nanaman siya sa tabi ko.
YOU ARE READING
A kilometer away
HumorQuarantine made them meet. They match in a dating app and talked for a while after talking for hours they lost their connection and because destiny is not against them they meet again. That's how they become close but destiny this time didn't want t...