Disclaimer: This is a work of fiction.
READ AT YOUR OWN RISK.
#AKA23 Chapter 23.
-
One year.
Isang taon, sa isang taon na 'yan ang daming nangyare. Mga bagay na hindi mo naman aasahan na mangyari at mga bagay na napaghandaan na.
May mga masasayang araw at meron naman na halos ayaw ko ng magising pero dahil sa mga tao sa paligid ko, nabigyan ako ng buhay, may rason pa pala para mabuhay at mag-patuloy.
Senior na si Alfie, pero kahit na halos pag-aaral nalang ang nasa vocabulary niya hindi naman nya nakakalimutan ang bebe time. Sinisigurado niya na may oras padin siya saakin. We went to Palawan, Zambales at iba pang lugar. Ang dami pa nga naming time para mag-date dito around sa Manila.
Timezone, paulit-ulit na Intramuros dates, we even make out. Natuto na kami sa mga SPG. Salamat sa mga movies na pinapanood namin pero dahil nga ayaw ni Tadhana na maging malaswa kami, kumatok ang mga group mates niya sa thesis at naudlot ng tuluyan ang make out session namin.
He had his first isaw, little did he know kumakain na siya noon, di man lang niya namalayan na may lamang loob sa mga lugaw na kinakain namin. Sarap na sarap kaya siya.
Meron pa nga dahil baliw kami, pumunta kami ng Tagaytay para sa bulalo. Pumunta ng Subic para sa Safari at Ocean adventure. Ang lakas ng sapak namin, kahit na may Manila Ocean Park na dito sa Manila, dumayo pa kami ng Subic para sa roadtrip at kaming dadalawa lang 'yon, pero syempre hindi mawawala ang mga bodyguard niya at extra driver na naka-sunod saamin.
Surprisingly, hindi naman nag-paramdam ang mother niya kahit saan saan na kami napadpad at hindi niya talaga binuksan yung topic ng Arrange Marriage ni Alfie. Nag-sawa na kaya siya na palaging nakaka-rinig na always kaming mag-kasama ni Alfie at alam niya na ako talaga mahal ng anak niya? Sumuko na kaya siya? O kaya naghahanda lang siya at mambubulaga nalang siya? As long as andito si Alfie, hindi naman ganon ka-grabe yung kaba ko. Na-ngako naman siya na gagawin niya lahat, ang laki lang ng tiwala ko sakanya. Nakikita ko naman sa mga galaw niya, hindi siya puro salita.
Nag-start na din ako mag-review para sa PHILSAT at UP LAE. Tumingin tingin na din ako sa mga ibang Law School kung pano ang standing nila sa Bar pero asa tao parin talaga yan kung pag-sisikapan niya pero yung puso ko naka-stay sa UP Law.
Nag simula na din ako sa pagbabasa ng Statcon at Rules of court. Binabasa ko rin ang Consti para ma-refresh man lang yung mga binasa ko noon.
One time yung step-mom ko nakita niya ako na nag-aaral about sa law sinabihan ba naman ako ng hindi ako makakapasok sa law school dahil hindi ko kaya o kaya makakapasok daw ako pero hindi ako mag-tatagal. Siya nga natagalan ko, law pa kaya na pangarap ko at halos buong buhay ko ang inilaan ko para dito. Umuwi kase sila ni Papa galing Italy, ewan ko ba't pa siya sumama, taga Mindoro kaya siya.
Umiyak ako, syempre. Masakit yun, kase gusto ko marinig is yung support ng mga tao pero hindi naman matatanggal yung pangungutya, kasama yan parang bang pagsubok.
Andyan naman mga kaibigan ko, yung mga kaibigan ko sa Ilocos, si Yannie, Nics at Fergus tumawag, nag-video call pa kami para matawanin ko at chinika pa nila ako sa mga bago nilang jowa at hirap ng mga courses nila kaya medyo gumaan naman naramdaman ko.
Sila Sarah, Ayse at Sophie naman nag-aya kumain para naman daw hindi ako mabagot sa bahay kasama step-mom ko, para naman daw hindi ako makipag plastikan dahil alam nila na ayaw ko nakikipag-plastikan. Nag-plano pa kami na before OJT aalis kami para mag-unwind muna at regalo na din sa sarili namin dahil sa mga pag-hihirap namin ng third year.
Si Alfie naman, syempre hindi mawawala 'yan. Always siyang andyan para saakin. Dinala niya ako sa mga lugar para makapag-isip ako, andon lang siya nakikinig sa rants ko at ka-dramahan ko. Sinamahan habang umiiyak ako at pinunasan ang mga luha ko. Kumain pa kami ng mga comfort foods ko. Ang tumatak saakin na sabi niya.
"You might feel that the world is against you but always think that there are people who will always be there to guide you and support you." And there, that's the words of wisdom of Alfie.
Papa ko, nag-sorry siya sa inasal ng step-mom ko at sinabihan na mag-patuloy lang ako na sobrang proud siya saakin at susuportahan niya ako sa mga gagawin ko lalo na sa pag-abot ko ng pangarap ko; ang pagkuha ko ng abogasya.
Andyan din yung mga iyak dahil sa pagod at nakikita ko din na sobrang pagod din si Alfie sa pag-aaral niya pero kahit na ganon, mag-kasama padin kami sa pag-aaral. One time pa, tinapos namin ng maaga ang mga naka-toka na requirements namin that day at pumunta kami ng Manila Bay para uminom ng beer and cry our hearts out. Nilabas namin ang frustration namin doon tapos we comforted each other at nag-patuloy parin sa buhay para sa future namin.
Don ko na-realize na iba siya pero tao parin siya, umiiyak siya dahil sa pagod sa pag-aaral, sa pressure ng parents niya, dahil sa pagkakamatay ng aso niya, at mga frustration niya sa iba't-ibang bagay. Mas lalo ko siyang nakilala sa 1 year na 'yon, mas lalo ko siyang minahal dahil sa flaws niya at tinanggap ko ang mga ito. Tao nga rin kase siya, napapagod, umiiyak at nasasaktan. #CanWeNormalizeThatBoysCanCryToo?
Nakita ko ng lahat ng 'yon, andon ako sa mga araw na 'yon at dahil don mas lalong umigting ang pag-mamahal ko sakanya, mas lalo namin nakilala ang isat-isa dahil sa mga nangyari.
Inom session din nila Sarah, Ayse at Sophie. Hindi naman mawawala ang inom saamin. Andon na yung pag-tatanggal ng stress namin dahil sa pag-aaral, pamilya at nangyayari sa bansa. Saksi din ang mga clubs sa mga chikahan namin.
Si Sophie at David? Ayon ewan ko, ang alam ko lang is si David umuwi ng Ilocos pero Sophie is healing. Kung ano man ang nangyari sakanila ang importante naka-cope up si Sophie don. About naman sa ex niya na gago, he got kicked out sa school and he bail his out sa jail. The power of money, damn. That guy and his family, injustice. But after all of that, she's getting better day by day.
Sarah, ayon walang bago, single padin pero she manages her way up para maka-pasok sa top 10 ng department namin. She's getting happier naman, day by day.
Ayse, of course maingay padin naman. Pakulo ng ingat at away sa school. The plot twist is that, she got her self a boyfriend. A future lawyer sa San Beda. Good for her.
Ang dami pang nangyari sa 1 year na 'yon. Para siyang roller coaster, tama sila na parang gulong ang buhay. Na lalagpasan naman namin yung mga problema at nabibigyan ng sulosyon. We get over the problem and make it as a lesson. Here we are, having our life. Getting stronger and bolder but still learning.
-
#AKA23 updated.
YOU ARE READING
A kilometer away
HumorQuarantine made them meet. They match in a dating app and talked for a while after talking for hours they lost their connection and because destiny is not against them they meet again. That's how they become close but destiny this time didn't want t...