Disclaimer: This is a work of fiction.
READ AT YOUR OWN RISK.
#AKA02 Chapter 02
-
"So ano plano mo?"
"Anong school ang nakita mo?"
"Ano sabi ng papa mo? About sa tuition fee?" Sunod na sunod na tanong ni Tita saakin.
"Nag inquire na po ako sa JRU at CEU." Sagot ko 'kay tita.
Nag tanong na kase ako sa mga iba't ibang schools dito sa Manila or malapit dito saamin.
Nanoood na din ako ng mga campus tour, ang laki ng mga campus dito. Gusto ko nga rin mag-aral sa UST dahil may specialization siya sa course ko may gaming nga eh at sa San Sebastian meron ding Data Analytics. Kaso mahal at hindi afford ni papa. Nakakahiya na din kila tita kung hihingi pa ako ng tulong para sa tuition. Eh halos lahat ng foods and mga bayarin sila na ang gumastos pati mga ibang gamit ko.
-
Nang matapos ko na ang mga gagawin ko eh naka higa na ako, wala paring reply si Alfie sa tinder. Sayang sobrang naudlot talaga yung saya at love life ko sakanya.
Oks ba Tinder mo kanina?
Di kase ako maka send non eh.
Yan padin ang huling chat sa convo namin sa Tinder. Naisipan kong magchat sakanya at baka mapansin niya.
Hays, totga
Kumbaga talaga siya yung the one that got away ko. Di ko rin ipag kakaila na sobrang natuwa ako noong kausap ko siya sa chat.
At ang pabebe na ate mo, hinanap ko siya sa instagram.
Triny ko na lahat ng merong Alfie, meron naman akong nakita triny ko namang finollow at sa fb nilagay ko na din yung place at school pero wala din.
Para akong binagsakan ng langit at lupa dahil sa lungkot.
-
Tinagawan ni tita ang CEU kinaumagahan.
Nasabi na nila ang tuition fee at ang breakdown kung paano ito babayaran o kung ilan ang down payment at nakita na maayos naman sa school na yan at noong isang araw nag joy ride naman kami at pinakita nila saamin kung saan ang iba ibang schools sa Manila. Halos nadaanan namin lahat. Ang lalaki nga eh, nakaka lula.
Halos mag ka harap din ang San Beda kung san balak ni Shiv lumipat. Kung hindi daw sa Letran, sa San Beda naman siya mag-aaral.
Naiinggit ako na may mga batang di prinoproblema yung baon at pag-aaralan nila, na kahit saang school sila mag-aral afford padin nila. SANA ALL LANG TALAGA!
Kung doon daw si Shiv mag-aral sa San Beda, baka mag CEU Manila nalang ako at hindi na sa Makati na kahit mag dorm or apartment nalang kami kase marami namang tutuluyan kase sakop ng University Belt and mga school na yan. UE, NU, PUP, La Conso, San Beda, CEU at marami pang ibang big schools.
Kung sa Letran naman si Shiv edi malapit siya sa Intramuros, maganda doon dahil nong nag joyride kami dinaanan din namin.
Noon ko pa kase pangarap maka punta sa Intramuros ng gabi. Nakikita ko sa mga pictures sa facebook feed.
Yung Morayta na pwedeng kainan at galaan, gusto ko ding pumunta at mag street food.
Sa dami ng gusto kong gawin eh hinding hindi ko pa magawa dahil sa pandemic. Gusto ko na ngang gumawa ng bucket list at baka makalimutan ko sa dami kong gustong gawin at puntahan.
Balak ko pa ngang mag ipon para sa Law school ko. Naisip ko kase kung makakapag ipon ako edi kahit tuition fee nalang problemahin namin ni papa at yung naipon ko pambili ko ng printer at libro edi hindi na masyadong mahihirapan si papa.
Edi mas magaan ang life! Hindi narin magiging dragon ang step mother ko.
Kase sa pag kaka alam ko, mahal ang pumasok sa Law school. Di lang tuition fee ang kaharap mo kundi mga libro, highlighters, ballpen or signpen because sign pen is an investment in law school at ang kape na kaakibat mo sa pagpupuyat!
Yes, coffee is life!
-
"Ano naisipan mo ng lumipat? Saang school?"
"Sure na yan?" Sunod sunod na tanong nanaman ni tita saakin.
"Sa CEU na po. Yan yung afford ni papa eh"
Tinaga ko na sa bato na bibitawan ko na ang pagiging loyal ko sa STI. 3 years na ata akong nag-aaral sa STI simula noong senior high school ako.
Kahit gusto ko ng mag shift dahil hindi ako naging masaya sa pinili ng family ko na course which is Computer science pero hindi pwede kaya ituloy ko nalang at pwede namang kahit anong bachelor course ang pre-law basta nakuha mo yung designated na units.
Naisip ko nanaman si mr. totga, kung bakit kaya di na siya nag reply, cutie naman ako a. Kahit hindi naman ako maganda eh cute ako, mapag mahal, magaling magluto, tsaka funny ako no. Ayaw niya non, tatawa lang siya ng tatawa.
Mental together ang hulog namin.
Pero di naman ako nahulog no, kahit marupok ako di naman ako naghulog sa isang araw na chat lang.
Hala ang defensive ko naman sa tono na yan.
Darating naman si right one eh. Malay ko di talaga namin oras.
Patuloy padin ang swipe right eh. Malandi tayo!
Lungkot now, swipe right later!
----------------------
Another update! I hope you like it. Leave naman kayo ng comment dyan! Mag ingay hahahaha! Let me know if nagustuhan niyo o nabitin kayo hehe! Use your voice!
Thank you again!
YOU ARE READING
A kilometer away
HumorQuarantine made them meet. They match in a dating app and talked for a while after talking for hours they lost their connection and because destiny is not against them they meet again. That's how they become close but destiny this time didn't want t...