Chapter 05

29 1 2
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. 


READ AT YOUR OWN RISK. 


#AKA05 Chapter 05.


Napa kamot ako as ulo ko ng malaman ko na may Discrete kami. 


Noong gr 12 kami mostly sabi ng mga classmate ko kaya sila nag IT kase walang math. Isang malaking SCAM yan! Halos lahat nga kami ganyan ang sinasabi eh. Mapa codes namin may math. Mga di maka tarungan na math. 


Kaya imbes na matuwa ako, mas lalo akong nastress noong isang araw. Nastress na nga ako dahil kay Hate tas dagdag mo pa si Alfie na nawala. Hays, mr. Atenean, hindi mo naba ako babalikan?


Kahit hindi na bumalik mga ex ko basta ikaw bumalik, MASAYA NA AKO! JACKPOT NA AKO SA BUHAY! 


-


Dahil sa pagiging epal ko. Naki sali na din ako sa telegram na groupchat namin kaya install ko na siya. Para naman di nila masabi na snob ako. Ayaw ko ng ganon dahil di naman ako ganon in real life. Baka magulat sila makita nila soon na walang hiya pala ako sa pasukan. 


And insert cute kaya mga sticker sa telegram. May mga trashtalk pa at nakaka tawang meme. Ganon ang hanap ko sa isang communication app, lam mo yon yung makikipag usap ka with tawa kase may mga meme na mag lilighten up ng mood ng lahat. 


-

Jex: hey new girl, ano na mga languages na napag aralan niyo sa dati mong school?


Yan yung unang nabasa ko pag kaka add palang sakin sa groupchat. Grabe naman sa hey new girl! At grabe naman sa pag tanong agad, wala man lang 'Welcome bagong salta!'


Kuya baka gawin mong 'My girl' yan a. Natawa ako sa sarili kong thoughts. 


Akalain mo yon napapasaya ko sarilli ko. 


That's the spirit girl, SELF LOVE! Ay charot 


"Ngayong college, JAVA talaga tinutukan namin eh. Pero noong shs marami na kaming nagawa. HTML, CSS, C#, JAVA, ANDROID STUDIO in which gumawa kami ng application para sa expo namin"


Yan ang rineply ko sakanya. 


Tapos nagtanong tanong na sila kung pano at kung mahirap ba. 


Nasabi ko din sakanila na aba talaga mahirap yan! Akala nga lang ng iba eh parang nag lalaro lang kami ng games dahil addict daw ng computers or games ang mga comsci students pero hindi talaga kase logic din ang pinapa gana mo. Di naman kase pwede na imemorize mo lahat ng codes dahil malulula ka talaga. Dapat basahin, alamin kung pano gamitin at kung ano ang bagay at kung ano ang dapat gamitin na variables. 


Ngayong mga ala sais, binitawan ko muna mga modules ko at tumayo ako para uminom ng tubig. Baka ma UTI nanaman ako eh at nag pahinga muna ako kaya naisipan ko nuna na iopen ang phone ko para mag online. Nagulat ako sunod sunod ang notification ng tinder. 

A kilometer awayWhere stories live. Discover now