Chapter 06

20 1 1
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. 


READ AT YOUR OWN RISK. 


#AKA06 Chapter 06


"Olivia, punta ka nga sa savemore bilhin mo yung mga kaylangan na hindi nabili para sa handa." 


Alam niyo yun ang bilis pasko na. Kailan lang ang grabe ng cases ngayon may vaccine na at pakonti na ng pakonti ang positive case. Kaya nakaka labas na din ang mga tao but still if lalabas gagamit padin ng mask and social distancing padin dapat. Sa pag kaka alam ko nga eh next month balik na ang face-to-face classes. 


Habang nag lalakad ako papunta sa savemore eh naka earphones ako. Nilakad ko lang kase ang lapit lang. Napa hinto ako sa parking lot kase may dadaan na sasakyan at sakto nagchat ako 'kay Alfie na mag grogrocery lang ako saglit. Sa loob kase ng savemore eh walang signal doon. Kahit text wala tsaka wala naman akong load at ang mas masahol ilang months na kami nag uusap ni Alfie na puro sa tinder lang. 


Di ko naman hininge yung social media accounts niya kase nahihiya ako. Kahit naman marupok ako eh dapat siya padin humingi no. Bahala siya diyan, isa kaya akong kawala, sa cute 'kong ito. 


Huminto ako para ichat si Alfie ay may nag psst sakin kaya lumingon lingon ako kaso wala naman. Kaya patuloy nalang ako sa pagcellphone at paglakad ng makita ko na wala na yung sasakyan. Hindi naman na naulit yung nag tawag saakin. Baka ibang tao talaga yung tinawag. 


Nang makuha ko na lahat ng ipinapabili ni tita ay naka pila na ako. Napa isip ako, wala namang pic si Alfie sa tinder eh kaya sayang din lang kung makaka salubong ko siya dito sa savemore dahil hindi ko naman alam itsura niya. 


Kaya ng maka balik ako sa bahay binasa ko na yung chat niya at sinabi ko na naka uwi na ako. Napa talon ako at nabigla chat niya na'to. 


Alfie Dylan 


Ang hirap na mag chat sa tinder. 


Ano ang tg mo?


Hala girl! Ito na ang pinaka hihintay ko! Kunyari mahinhin ako na hindi ako malandi pero deep inside namamatay na talaga ako na tanungin kung ano mga social media accounts niya. Kaya agad agad ko naman sinagot at sinabi ang tg account ko. Aarte paba ako? Siya na kaya nag tanong. Wag ng patumpik tumpik pa baka mawala nanaman siya. Malungkot nanaman ako niyan! 


Ng ibigay ko na ang tg account ko don na kami nagsimulang magusap. Hays, maganda talaga ako hindi lang groupchat ang laman ng tg ko. 


Habang nanonood ako, bigla bigla itong huminto. Hala istorbo naman sa panonood 'to. Akala ko nag hang or lag lang yung netflix kaso hindi bigla nag pop up yung tg call.. 


Alfie Dylan is calling...


Ay jusko! Napatayo ako sa pag kakahiga ko dahil sa gulat! Bakit siya tatawag? Baka napindot lang niya? Kaya hinintay ko ng 10 seconds at baka patayin niya agad pero hindi eh, patuloy padin ang ring niya. Ba't siya tumawag? Anong sasabihin niya? Kaya sinagot ko nalang. 


"Hello? " sagot ko sa tawag niya. 


"Hi! Are you doing something? Nakaka istorbo ba ako?" Yan ang sinabi niya.


LORD, PWEDE MO NA PO AKONG KUNIN! Ang lalim ng boses niya! Nakaka kilig! Hindi lang pangalan niya ang nakakakilig kundi ang boses niya!Nakakahulog ng panty!! Atsaka sus kung alam mo lang, naka laan na sayo ang buong buhay at oras ko no! 


"Wala naman, nanonood lang ako. Nahihiya pa nga akong sumagot eh atsaka akala ko napindot mo lang." I chuckled. Totoo naman nahihiya pa ako sakanya. Di pa ready ang buong kalamnan ko na marinig boses niya. 


"I want to talk to you." Ito na yung six words na ikakamatay ko. Pano pa kaya pag nag kita na kami? Ano kaya ang ginawa ko dahil napaka swerte ko naman. 


Parang sumipag ako dahil sa nangyayari. Baka malabahan ko na din at baka maghugas na ako sa kabilang unit dahil sa sipag ko dala ng kilig. 


Nagpatuloy lang ang pag uusap namin. Hindi siya masyadong nagsasalilta pero sumasagot siya pag may tanong ako. Kahit naman di siya masyadong magsalita kinikilig parin ako. Iba talaga epekto niya saakin. Ano ba Olivia si Alfie lang yan rurupok kana?


"Buti naisipan mo ng lumipat dito."  He said.  Gusto talaga ni lord na lumipat ako dito dahil naka tadhana tayo na magkita no! Destiny worked this time. 


Naikwento ko din kase sakanya lahat ng nangyari, kung san ako nagaral at mga ginagawa ko sa Ilocos. Di naman siya pala kwento edi ako nalang ang magkwekwento kung ayaw niya magkwento. 


Ako nalang bahala sa kwento basta andiyan siya, oks na ako. Oks na oks! Kwento lang ako ng kwento siya naman tawa ng tawa dahil sa mga nakwekwento at jokes ko. Iba talaga ako, pwede ko na yatang business yung magpasaya ng tao. 


"I realized your voice is cute. Your voice doesn't look like a 19 y/o." sabi niya. 


Compliment yan? Oo compliment yan Olivia! Compliment yan!!!!! HALA NANGINIG LAHAT NG KALAMNAN KO DAHIL SA KILIG! Sabi ko na nga ba cute talaga ako eh. Boses palang yan Alfie pano kaya pag personal na no? Edi masasabi niya na pwede niya akong gawin na keychain. 


"It's been months already na nag uusap tayo and i still don't know your full name?" Napaka conyo mo naman! Taga Ateneo ka nga, no doubt.  Hindi mo naman kase tinatanong. Hibang ka yata no. Pero oo nga hindi ko din alam full name niya. 


"Mine is Alfie Dylan Cruz. Yours?" Ang gwapo talaga ng pangalan niya. Bagay sa boses niya! Pang mayaman at malakas ang dating. 


"Olivia Isabella Acosta" 


"But you can call me love"  Yan ang sagot ko sakanya. Banat na kung banat! Ako lang 'to Alfie. 


He chuckled. Hala ang cute niya tumawa at kiligin. Sabi na eh, iba talaga ako! Para tuloy siyang nanalo sa lotto. Swerte talaga siya sakin.


Alfie Dylan

01:30:15


Napaka swerte ko talaga ngayong araw na 'to. Di ko naman aakalain na tatawag siya at mag uusap kami ng ganyan katagal. Lord, ano po ginawa ko para maging masaya ngayon at para naman gagawin ko na siya araw araw? 


--------------------------------


Thanks for supporting and reading my story guys! 


Stay healthy, wag kakalimutan mag mask pag lalabas. 


xoxo 


A kilometer awayWhere stories live. Discover now