Chapter 12

27 1 1
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. 

READ AT YOUR OWN RISK.

#AKA12 Chapter 12. 


-


Wednesday. 


Hanggang ngayon wala parin akong uniform. Nakaka sawa na mag-pants na pumasok. Wala pa daw kasing stock ng college uniforms kaya di pa ako maka bili. 


Habang nag-aayos ako ng mga gamit ko dahil papasok na ako papunta sa school ay nagvibrate ng maraming beses ang phone ko. 


Kung hindi smart yan NDRRMC yan , sure ako. Sila lang naman ang palagi kong ka-text. Di na nga uso sakin yung load na pang-text at call. Internet lang na gagamitin ko para sa school, e. Okaya, notification yan sa mga socmed. Marami kasing notif dahil sa shared post ko, dakilang memer. 


Alfie Dylan


"I gave you enough time to think, can you spare some of your time for me to explain? I'm sorry, i know, i said that a lot but i really can't sleep at night thinking that we ended up like that."


"Please hear me out."


"Let's fix this, please?" 


"Can we meet?" 


Let's fix this amp, anong aayusin natin? Eh wala namang tayo, nice! 'i kennat slep @ nyt nye nye, edi may sakit na sana siya ngayon?


Yung ex ko nga na nanloko binigyan ko ng unlimited na chance ito pa kaya. Kaya, let's go marupoks! 


"It's okay lang, nue ka ba? Hindi kase ako masyadong lumalabas ng weekdays kasi marami akong back subjects, lam mo na busy kase transfer student."  Reply ko sakanya, we all deserve a second chance naman.


or...... MARUPOK lang talaga ako. 


Hindi naman sa labag ang loob ko sa pagpapatawad sakanya, malay ko lang kung may valid reason naman siya, edi magexplain siya tas pag hindi valid ang reason, ligwak na siya sa life ko. 


Formal nalang kaming nag-uusap. Hindi na yung dating always kaming nagchachat or calls, tsaka busy din kami sa school. Third year student na rin siya, OJT na niya soon. 


"Good morning, you eat. Papasok na ako."


"Ingat ka" 


"Naglunch kana?"


"Naka uwi kana?"


"Busy ka pa ba?"


"Kelan tayo lalabas?"


For 2 days ganyan ang always niyang chat saakin. Sinasagot ko naman mga chats niya minsan di ko lang narereply'n kase ang dami talagang ginagawa tas pag-uwi ko makakatulog na ako pagkatapos kumain sa pagod. Nasanay yata kase yung katawan ko noong pandemic na always na nakahiga, walang masyadong ginagawa, nasa loob lang ng bahay. 

A kilometer awayWhere stories live. Discover now