Disclaimer this is a work of fiction
READ AT YOUR OWN RISK.
#AKA15 Chapter 15.
-
"Hello, punyeta ka naman Nics! Ang aga aga ng bulabog mo letche ka!" Sigaw ko sakanya, dahil tatawag ba naman e ang aga aga pa.
Tinignan ko uli ang cellphone ko at WTF GAGO 7:45?!!!!! Akala mo naman may importante na life and death matter ang sasabihin niya. Wala pang pasok ngayon pero pupunta ako sa library para mag-aral.
"Birthday ko na sa Sabado, uwi ka naman gaga ka. 1 year na kitang di nakita! Simula noong Quarantine." Napa hilamos ako sa mukha ko dahil feel ko sasakit ulo ko sa itinawag niya at sobrang aga niya tumawag.
"San ba? Puta ano yan? Uuwi lang ako para kakain?" Natawa pa siya, lakas ng loob tumawa.
"Gago, hindi. Pinayagan na ako ni mama at papa. Mag papa overnight ako sa Pagudpud."
Napa upo ako sa sinabi niya. Super strict ng parents niya na paglalabas kami noon ng gabi e kailangan ko pa siyang ipaalam o kaya si Fergus.
"Totoo? Hoooooo, sinungaling ka ampota!" Sigaw ko sa kabilang linya.
"Bahala ka, ayaw mo maniwala. Maliligo na ako layo ng MMSU hassle, malalate na ako." Paalam niya saakin. Kaya napa isip ako, walang pasok ngayon kung mag-papaalam ako kay tita ngayon, uuwi pa ako ng Taguig, kung tawagan ko kaya siya? Tapos naman na kami sa quizzes at free-cut na ata bukas at sa friday. Tapos uuwi ako ng linggo ng gabi o hapon, tapos diretso na ako sa Manila. Grabe, hassle naman. Pero pagbibigyan ko na siya, siya naman always kong takbuhan eh.
Kaya dahil hindi na ako maka tulog dahil sa pag-gising saakin ni Nicole, ay naglaba nalang ako. Ang gago naman kase non, balak ko pa naman matulog ng maayos ngayon.
Natapos ako mag-laba around 9am, ang dami na naming tambak na damit ni Shiv, naghand wash lang ako. Kaya pagod na pagod ako, namahinga lang ako saglit at maliligo na ako.
Hindi na ako nag-luto ng lunch ko dahil around 10:30 pupunta na ako sa School. O kaya sa labas nalang ako kakain.
Lumabas na ako sa gate ng Apartment at sinusuot ang ID ko.
Naka leggings lang ako at hoodie, ewan ko tinatamad ako, sobra. Tapos nike air max nalang ako.
Nagtext din saakin kanina si Alfie, tinatanong kung anong oras ako lalabas ng school kaya sabi ko mga 2:30. Don nalang ako mag-papaalam.
Nagchat back narin si tita at sabi niya oo dahil may iuutos din siya saakin. May ipapakuha ata na papeles ng bahay sa Ilocos.
Naglakad nalang ako kahit medyo mainit, ang lapit lang naman. Kakain muna kase ako sa Jollibee tapos diretso na ako hanggang sunduin ako ni Alfie.
Umorder lang ako ng one piece chicken and large fries, hindi talaga ako masyadong umiinom ng softdrinks, grabe kase sumakit pag nagUTI ako.
YOU ARE READING
A kilometer away
HumorQuarantine made them meet. They match in a dating app and talked for a while after talking for hours they lost their connection and because destiny is not against them they meet again. That's how they become close but destiny this time didn't want t...