Chapter 17

28 0 1
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. 

READ AT YOUR OWN RISK. 

#AKA17 Chapter 17.

-


Hinatid ako ni Alfie ng 8 am dahil didiretso siya sa school niya. 9:30 am kase ang pasok niya today at ako 10 am pa. 


Ang sarap kaya matulog pag may kayakap at katabi ka. Ipinagluto ko din siya ng breakfast. Mag-stostock na raw siya ng groceries niya para always ko siyang lutuan, ginawa pa akong chef ba't di nalang ako ang gawin na pagkain, eme siya. 


Hinawakan ko ang labi ko dahil sa nangyari kagabi, hindi naman sa first time namin mag-kiss pero yung kagabi, iba talaga super intense siya. Medyo nabitin nga ako eh pero respetado ko siya at ang alaga niya. 


-


Pagpasok ko sa school at pagkatapos kong itap ang ID ko at may biglang humila sa bag ko. 


"Blooming ka girl ha! Kahit sa likod halatang may dilig!" Sabi saakin ni Sophie na sobrang ikinatawa ko at nabigla ako. 


Muntik lang ako madiligan kung alam niya lang. 


"Sus! Samahan mo nalang ako bumili ng uniform ko baka kung di pa ako mag-uniform bukas, di na ako papasukin ng guard." Hinila ko na siya papunta sa bilihan ng uniform. 


Habang nag-uusap kami ni Sophie papuntang bilihan ng uniform ay bigla siyang hinila ng mahigpit ng boyfriend niya. 


Nagulat ako, ang bastos naman non, nag-uusap pa naman kami. Lalo ang higpit pa naman niya hinawakan si Sophie, pwede naman tawagin o kaya mag-excuse saamin. Grabe ha! 


"Sorry Olivia! Wait mo lang ako, this will be fast!" Pahabol niya saakin habang hinihila pa din siya ng boyfriend niya. Levi ata ang pangalan? Varsity player ng school. 


Bumalik na si Sophie sa harap ko. Iba talaga kutob ko sa lalaking yon, kada kase makaka salubong namin siya o kaya makikita siya ni Sophie mahahalata mo sa mukha ni Sophie yung takot o kaya kaba. Hindi ko naman masisisi si Sophie pero sana man lang alalahanin niya sarili niya. Pero once talaga na malaman ko na sinasaktan niya si Sophie, ipaglalaban ko siya kahit saang korte kami mapunta. He will root in jail. 


Nahalata ko rin 'kay Sophie na palagi siyang nagsusuot ng jackets and hoodies. Mainit naman sa hallway, ako pa nga naiinitan sakanya. 


"Okay ka lang?" Tanong ko sakanya dahil nag-aalala ako. 


"Ofcourse! Bakit naman hindi?" Ayan nanaman siya at nagpapatay malisya. 


Naka ngiti pa siya, iba talaga 'to, great pretender pero halata naman sa mukha at mata niya na nasasaktan siya. 


"Pag sobra na bitaw na. Kase alam mo Sophie, hanggang kumakapit ka mas lalo kang masasaktan." Advice ko sakanya. 

A kilometer awayWhere stories live. Discover now