Chapter 11

27 2 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. 


READ AT YOUR RISK.


#AKA11 Chapter 11.


-


"Hoy! Bumangon kana malalate kana! First day na first day!" Sabi ko sabay sampal ko sa mukha ni Shiv. 


Naalimpungatan siya sa sigaw ko. 7am na kaya, e 8:30 ang pasok niya. Naka luto na ako ng breakfast. 


Nagluto lang ako ng hatdog at scrambled egg at nagtimpla na ako ng kape ko, ewan ko ba hindi ako mabuhay buhay pag walang kape sa sistema ko. 


First day ng face-to-face classes ngayon. Salamat nga at natapos na yung pandemic at makakapasok na kami. 


There are less privileged people na hindi afford ang mag-online class. Kaya masaya ako at natapos na ang lahat ng problema. 


8am na ng umalis si Shiv at pumasok sa school. 


Naghugas na ako ng pinggan at sabi ko sakanya na siya nalang mamayang gabi ang mag-hugas at walis. 


8:30am palang kaya binuklat ko ang bag ko para makita kung may naiwan ba ako. 


Nang makitang wala naman ay napag isipan ko na mag-basa nalang sa Consti na binigay ni Alfie pero naka tulog ako.


Naalimpungatan ako ng mafeel ko ang tubig sa noo ko dahil sa pawis. 


Napa balingkwas ako ng makita ko sa relo na 9am na at dali dali na akong pumili ng damit ko. 


Naghighwaist pants lang ako at NASA T-shirt. Inilabas ko din ang hoodie ko baka kase malamig doon. 


Matapos akong maligo at nagpalit. 9:30 na grabe, ba't ba kase ako naka tulog e nagbabasa lang naman ako kanina a?


Dali dali akong nagsatapos at nagsuklay. Naglip at cheek tint lang ako. 


Dinampot ko na ang bag, susi at hoodie na nai-ready ko na kanina. Ano ba naman 'to, first day of school!


Pag dating ko agad sa room nag hanap ako ng vacant seat. 


Biglang may lumapit na babae saakin. Nagulat ako kase nilahad niya kamay niya saakin. 


Ng makita niya ang reaction ko ay natawa siya. 


Grabe, ang ganda naman neto tumawa. Pag ako ang laki ng bunganga ko. Para akong buwaya na gutom. 


"Ano kaba?! I am Sarah, gosh yeah i know i look different in pictures."


A kilometer awayWhere stories live. Discover now