Chapter 00

84 2 0
                                    


"Isabella! Nilabanan ko lahat para sayo!" Sigaw niya. 


Nagsimula nang tumulo ang luha sa kanyang  mga mata. 


Ito yung mga matang kumikinang tuwing siya'y naka ngiti at tumitingin saakin. 


Naawa na akong nakakakita pero ginusto ko 'to, pinili ko 'to tsaka para rin naman sakanya ito eh. 


"Alfie, umuwi kana. Ang layo pa nang nilakbay mo." Mahinhin kung sabi sakanya. 


Hindi siya natinag kundi hinawakan niya ang aking mukha at hinaplos ang aking pisnge. Mga hawak na aking kahinaan. Mga haplos na araw-araw kong namimiss. Dati rati Dylan pa ang tawag ko sakanya dahil yon ang gusto niyang tawag ko sakanya pero wala akong lakas na tawagin siya sa nakasanayan ko. 


"Hindi tayo matatapos ng ganito. Ang dami na nating pinagdaanan, bakit pa tayo susuko?" Tanong niya sakin at sabay hawak niya sa kanyang noo dahil siya'y gulong gulo na sa nangyayare ngayon. 


Pati ako gulong-gulo na ang utak at puso. Sobrang nasasaktan ako na nakikita ko siyang nahihirapan. 


Lumayo ako sakanya at baka mayakap ko siya baka bumalik lamang ako sakanya at sabihing okay lang ang lahat pero hindi eh. Hindi pwede dahil lahat ng pinaghirapan ko at tiniis kong sakit ay mapupunta sa wala. 


"Olivia Isabela, hindi kami kasal! Hindi kami naghalikan! Mali ang iyong nakita" Sigaw niya at siya'y patulo'y na nagmakaawa. Patuloy padin ang agos ng kanyang luha. 


Wasak na wasak akong nakikita siyang nasasaktan dahil saakin. Hindi niya deserve ito. Walang may deserve samin nito. 


Ako'y ngumiti ng mapait. Yung ngiti na sobrang nasasaktan. Buti nga nakayanan ko pang ngumiti kahit na sobrang wasak na ako. Ewan ko siguro para lamang gumaan ang paligid. 


"Alfie, huli na. Sinira mo na ang tiwala ko tsaka nakikita mo ba? Pamilya mo na ang kalaban mo dito, hindi na ito nakakabuti sa'yo." Huminga ako ng malamim at pinunasan ang luha na patuloy parin ang agos.


"Hindi magiging healthy ang relasyon Alfie kung pati ang pamilya mo inaaway mo na. Hindi eh,. Hindi." Lumuhod ako sa harap niya at nagmakaawa. 


"Alfie, umuwi kana. Ayaw na kitang makita. Wag na wag kanang babalik dito sa Ilocos" Nabigla siya sa aking pagluhod at bigla bigla niya akong itinayo at hinawakan sa balikat. 


Pinapa alis ko ang mahal ko. 


Yung kasiyahan ko. 


Yung taong bumuo sakin, pinapalayo ko. 


Yung taong kasama ko gumawa ng masasayang memorya ay sinasaktan ko. 


Yung taong kasama ko sa lahat lahat ipinag kakait pa ng tadhana. 


Para na kaming tanga na umiiyak sa plaza, and daming tao pero wala kaming pake basta ang nasa isip ko yung pagod at sakit na nararamdaman niya ngayon. 


"Isabella, hindi pwedeng matatapos tayo ng ganito. Hindi kita susukuan" Yang ang kanyang sinabi bago niya binitawan ang mga balikat kung nanginginig dahil sa aking pag-iyak. 


Nabigla ako sa kanyang sinabi. Wala pa akong naisipan na sagot sa kanyang sinabi ay tumalikod na siya. Napaka sakit na marinig sakanya yung Isabella na tawag niya sakin. Siya lang ang tumatawag sakin niyan. Halos mabasag na din ang kanyang boses dahil sa pag-iyak. 


Tinalikuran na ako ng mundo ko. 


Nanginginig ang tuhod ko. Naka alis na ang kanyang sasakyan pero ito ako naka pako parin sa aking kinatatayuan at patuloy padin ang agos ng aking luha. 


Hinawakan ko ang aking dibdib sabay bulong sa sarili na, "Para sayo ito mahal. Hindi kana mahihirapan at masasaktan sa lahat ng sasabihin at gagawin ng pamilya mo." 

Tumalikod na ako. 


"Mahal, magiging masaya ka din at patuloy ka naming mamahalin ni Bella."


Tuloy pa din ang buhay kahit wala kana. 





A kilometer awayWhere stories live. Discover now