Disclaimer: This is a work of fiction.
READ AT YOUR OWN RISK.
#AKA13 Chapter 13.
-
Kagabi parang naka play na paulit ulit sa isip ko yung nangyare. Parang asa movie lang ako.
Hindi ko nga maipaliwanag at hanggang ngayon ay sobra padin yung kilig na nararamdaman ko.
Maaga ba ako nagising para isipin yung nangyare kagabi? Dahil 6 am palang gising na ako.
Late yung class ni Shiv, baka nga tulog pa siya ngayon eh. Mamaya pang 10am ang class ko. Wala akong magawa kaya nanoond nalang ako ng Kdrama.
Naligo na ako ng mga 9 am at nag-ayos. Pagkatapos ay asa labas na ako ng apartment na naghintay ng tricycle papunta sa school.
Ang saya ng umaga ko, nabati ko ang land lady ng apartment, guard at other student,
Napansin lahat ng kaibigan ko ang saya ko.
"Uy saya ng umaga natin ha? Ready kana sa quiz?" Tanong ni Sophie saakin.
"May test?" Sigaw ni Sarah
"Nagreview kayo?" Sigaw naman ni Ayse.
Napakamot nalang sa ulo si Sophie dahil sa walang ka alam alam ang dalawa sa kaibigan namin.
Hindi kami nagutom kaya dumiretso kami sa library. 10am na kase ang class at natapos ng 12 kaya di na kami kumain.
Na-stress sila sa quiz namin kaya kesa rin sa kumain ay nag review nalang sila para sa susunod na quiz.
Habang nag-babasa ako ay may huminta na group of boys sa harap ko, napatingin ako sakanila at pati sila Sarah ay tumingin. Nagtataka akong tumingin sakanila at napansin ko may familiar na mukha.
"Hala, nagka pandemic lang di mo na maalala mukha ko?" Tanong saakin ng lalake.
"Baka kase naging virus kana kaya di ka maalala?" Singit naman ni Sophie na ikinatawa ng mga kaibigan ng lalaki at nila Ayse at Sarah.
"David Nate, Olivia. Friend ng ex mo." Pagpapaliwanag niya.
Ah, naalala ko na siya yung kaibigan ng ex ko na rich kid.
"Ah, naalala ko na. Musta?" Akala ko sa Ilocos mag-aaral 'to a.
Umupo na siya sa harap ko at nagkwentuhan na kami. Nauna na ang mga kaibigan niya at nag-simula ng mag-review ang mga kaibigan ko para sa susunod na quiz.
Buti nakapag review na ako kahit makipag kamustahan na ako dito.
YOU ARE READING
A kilometer away
HumorQuarantine made them meet. They match in a dating app and talked for a while after talking for hours they lost their connection and because destiny is not against them they meet again. That's how they become close but destiny this time didn't want t...