Disclaimer: This is a work of fiction.
READ AT YOUR OWN RISK.
#AKA09 Chapter 09.
Mamayang hating gabi new year na. Naisipan nila tita na sa Shangri-La dito sa Taguig at don na namin hihintayin ang New year's Eve.
Kaya nag pahinga na kami habang hinihintay ang 9pm yan kase ang oras ng reservation namin.
Kinuha ko na yung gagamitin ko na heels mamayang gabi sa taas kase andon lahat ng shoes namin. Kaso paglabas ko may paper bag sa labas ng unit namin.
Ayaw ko pa sanang kunin baka bomba yan no. Nakakatakot na kaya ngayon.
Kaya tinignan ko ng mabuti at kumuha pa ko ng stick sa loob ng bahay at tinusok tusok ito. Siguro kung may makaka kita saakin sasabihan na nababaliw na ako.
Pero nakita ang note sa gilid ng paper bag.
"Hi future lawyer! I hope you will like the gifts that i gave you. You can start reading now and start taking every memories that you will be making here! -DylanA."
Regalo ni Alfie 'to! Napatalon pa ako sa excitement buti nalang at asa kwarto sila tita kaya hindi niya malalaman na may nakuha nanaman ako na regalo, wala na kase akong maipapalusot ngayon.
Naka ngiti pa ako habang dahan dahan na tina tanggal mga tape sa paper bag, ayaw ko ngang sirain yung paper bag eh galing 'kay Alfie to e.
Nabigla ako kase may nakikita akong parang codal sa loob ng paper bag atsaka medyo talaga mabigat siya.
Hindi ko talaga iniexpect na may pa regalo siya. Hindi naman kase siya nag sasabi. Ano kayang pwede din na iregalo sakanya? Nakakahiya na wala akong maibibigay.
He is full of surprises.
"Hala Philippine Constitution na book!" Sigaw ko pero dali dali ko'ng tinakpan ang biibig ko baka marinig ako nila tita at lumabas pa sila sa kwarto at malaman na may nag regalo nanaman saakin.
Akala ko yun lang ang laman ng paper bag pero hindi kaya kinuha ko pa yung isang box sa loob.
Napa tili ako ng mahina.
Fujifim Instax at accessories niya. Grabe whole package niya na ang nandito. Alam ko naman na whole package ako at swerte siya pero grabe na 'tong regalo niya saakin.
Hindi lang kilig ang nararamdaman ko kundi hiya din kase wala man lang akong regalo sakanya kaya dali dali akong nagchat sakanya at sobrang nagpasalamat nagsend pa ako ng GIF na dalawang taong magkayakap dahil gustong gusto ko na siyang yakapin dahil sa saya at sobrang thankful sa mga binigay niya.
Kaya mag iisip din ako ng regalo ko sakanya, ayaw kaya niya ng baby? o kaya siya nalang ang gawin kong baby? Nanggigil pa ako sa mga naisip ko.

YOU ARE READING
A kilometer away
MizahQuarantine made them meet. They match in a dating app and talked for a while after talking for hours they lost their connection and because destiny is not against them they meet again. That's how they become close but destiny this time didn't want t...