Disclaimer: This is a work of fiction.
READ AT YOUR OWN RISK.
#AKA03 Chapter 03.
Feel ko matatae ako as kaba. First day ng online class ng CEU ngayon.
BSCS2-02 yan and pangalan ng groupchat na meron ako ngayon at sinalihan sakin.
Di ko alam kung mag-hi ako.
"Hi ako 'to si Olivia na mahal na mahal kayo" o kaya
"Sawadika. Nanoo ha" Baka pag sinabi ko 'to, bigla sila matakot sakin no.
Yan sana mga isesend ko pero baka sabihin na ang jejemon ko or ang trying hard ko naman. Di ko pa naman alam mga ugali nila. Baka majudge ako agad.
Ewan ko ba bakit ang kulit kulit ng personality ko?
Pero kahit makulit personality ko nalulungkot padin ako, di parin naman naalis na umasa ako na baka i-install uli nung Alfie yung tinder niya at mag chat uli siya sakin no.
Ng ibigay na ni ma'am yung mga gagawin at ipriprint na modules eh nagsimula na akong gumalaw. Napaka dami eh kaka simula lang ng klase! Stress ha!
Pero medyo nahihirapan padin ako mag adjust kase noon sa Ilocos at STI alam ko naman ang mga kasalamuha ko, may mahihingan ako ng tulong at makakausap o matatanungan pag di ko alam gagawin ko pero ngayon ni isa wala, nahihiya pa ako 'kay ma'am, mukha kase siyang mataray sa profile picture niya.
Hala, not judging, just stating facts!!
-
"Ate Olivia, paliguan mo daw muna si Lorraine"
sigaw ni Matt na cousin ko.
Napa kamot ako sa ulo ko.
Stress na kaya ako sa mga babasahin ko dito sa new school ko kase wala naman akong tatanungin.
Pinili ko naman 'to, kaya kasalanan ko din. Naisip ko din naman noon na mahirap kase online pero alangan naman mag stop ako, i can't afford to stop, baka di na ako pag aralin ni papa kung ganon. Baka sabihan pa niya ako na tamad.
Pinaliguan ko na si Lorraine at nagluto na para sa lunch namin. Mas maaga na kase akong nagigising kesa noon kase may schedule na kami at may maaga akong pasok.
-
Nang maka kain na kami eh akala ko sila Matt o Shiv na ang maghuhugas pero hindi, naglalaro nanaman si Matt ng minecraft, ang adik maglaro ng batang 'to, napaka ingay pa. Sila tita at tito naman ay nag tratrabaho na at sobrang busy na nila kaya hindi na nila napansin.
YOU ARE READING
A kilometer away
HumorQuarantine made them meet. They match in a dating app and talked for a while after talking for hours they lost their connection and because destiny is not against them they meet again. That's how they become close but destiny this time didn't want t...