Prologue

368 19 6
                                    

What is it like to love a handsome, yet quiet doctor who sees you like a living corpse? Scary? Boring? Or lovely?

Sa totoo lang, nakakairita! Kahit anong gawin kong pagpapahumaling sa akin, hindi man lang siya kumakagat! Daig niya pa ang isang pantas kung makapagsabi! Pero! Hinding-hindi ako susuko! Kahit magkalabuan man kami! Dapat nasa akin ang huling halakhak!

Bubuhayin naman pa rin niya ako, kung hindi kakasuhan ko siya ng murder para matanggalan siya ng lisensya. Murder of feelings!

Alam na alam ko ang sarili ko kung bakit parang isang achievement na sa akin ang ma-in love siya. Pero dapat sa akin! Ang nakaiinis nga lang na parte roon ay pabalik-balik ko naririnig sa bibig niya ang mga salitang…

“I will never fall in love with someone. You're just a living aggregation of organs.”

“Ms. Montañez, you're disrupting my schedule.”

Aba! Hindi lang ako basta-bastang nabubuhay na parang halo-halo! Pasalamat ka talaga at doktor ka. Kung hindi, baka matagal na kitang naging asawa ko!

Gwapo ka, kaya nga ako na-in love sa 'yo. Pero bakit hindi mo magawang tignan ako na maganda ang katawan at sikat na tao?  Like, duh, madaming lalaki'ng humahabol sa akin pero ikaw at ikaw pa rin ang pinipili kong landiin. Nasa 'yo na puso ko, doktor!

Ayaw mo no'n? Meron ka ng isang loyal fan, may readily available ka pang magiging girlfriend or pwede pang wife kung gusto mo. Pero ang mga sagot na naririnig mula sa 'yo, parati na lang…

“Not a chance.”

“Wish big, dream big, Ms. Montañez. Just realize that you're chasing pavements.”

“You and your imagination are absolutely weird.”

“Are you sick? Do you need to see a psychologist? I'll schedule an appointment for you.”

Ahhh! Kainis ka, alam mo 'yon?! Maghintay ka lang, Axel Cade Prystone. Si Avry Jean Montañez 'to. Maling-mali ang binangga mong babae! Sisiguraduhin kong magiging akin ka. All mine.

“Poor doctor, thought to fall in love with me?”

PURE SERIES 1: Loving a Living Corpse (Under Revision)Where stories live. Discover now