Chapter 7

87 7 0
                                    

Naramdaman kong may yumuyugyog sa akin nang mahina kaya napadilat ako. “AJ, AJ.”

“Mmm…” ano ba 'yan ang sarap ng tulog ko eh. Napatingin ako kay Cadey na kasalukuyang kinakalas ang seat belt ko. “Ano ba?”

He crossed his arms while showing his frowned face. “Gising ka na?"

Tumango ako sa kanya. Nagtanong ako sa kanya kung nasaan na kami at sinagot naman nito na nakarating na kami. Napatingin ako sa likod at nagtaka bakit wala ang dalawang bata. “Hey, nasaan si Misty at Gio?”

“Inside already,” maikli niyang sagot. Nag-pout ako at nag-ayos ng sarili nang natanggal na ang seat belt ko.

“Ano ba 'yan, hindi ako nakapag-goodnight sa kanila. Pasok ako, okay?” marahan siyang tumango kaya lumabas na ako ng kotse at pumasok sa bahay nila, iniwan siya sa labas. Nakita ko ang dalawa na nakaupo sa sala habang kinakain ang binili naming lasagna at malapit na maubos ang mga iyon.

“Hey, ba't hindi niyo ko ginising, hmm? Nakalimutan ko tuloy mag-goodnight kiss sa inyo!”

Nilunok muna ni Misty ang kanyang pagkain bago nagsalita. “Ate AJ, bakit ang tagal ninyo ni kuya?” tanong niya pagkatapos ko siyang kiniss sa pisngi. Teka, ano? Akala ko ba kauuwi lang namin?

“We've just got home, right? Bakit mo natanong?” pagtataka ko.

Gio giggled. “Ate AJ, ten minutes na po no'ng nakauwi na tayo,” sagot niya pagkatapos tumawa. Ten minutes?

“Gano'n ba? O sige, clean up na kayo tapos magbihis na. Don't forget to brush your teeth, okay?” tumango sila kaya napangiti ako. “Good! Ilang araw na naman tayong hindi magkikita-kita. Mami-miss ko kayong mga babies ko! Cuties!” Napakurot ako sa pisngi nila ngunit mahina lang. Baka kasuhan ako ng kapatid nila ng child abuse. Mahirap na.

“I want to spend more time with you, Ate AJ!” hiyaw ni Misty

“Soon! Where's Ate AJ's kiss?” tinuro ko ang pisngi ko kaya lumapit sila sa akin at magkabilang-pisngi akong hinalikan. Niyakap ko sila ulit at biglang bumukas ang pinto.

Iniluwa nito si doktor at nakatingin sa amin. “What's the fuss?” napatingin ako kay Cadey na kapapasok lang, “kids, clean up and brush your teeth upstairs.”

Sumunod naman ang dalawa at umakyat sa taas. Hays, ano na naman kailangan nito? Nakatingin na naman siya sa akin nang napakalalim.

“Ano?”

Kinamot niya ang kanyang batok kaya tinaasan ko siya ng kilay. Kailan pa naging mahiyain si Cadey? “Bahala ka d'yan, uuwi na ako,” bulas ko sa kanya at nilagpasan siya.

“Wait, I'll send you off.” sumunod siya sa akin hanggang sa gate ng bahay nila. “AJ.” tumigil ako at napangiti. OMG, is this ‘can I treat you for a dinner?’ na ba?

Lumingon ako at pabebeng sinagot siya.

“Thank you for today… and I'm sorry for being disrespectful last time.” nawala ang lahat ng excitement sa katawan ko.

“Ahh? Wala man lang ‘can I treat you’ d'yan or something?” kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

He was confused and looks like he's thinking that I'm being weird again. Hay nako, doktor ka. Hindi ka man lang ba makapag-isip ng magandang treat para sa akin?

“What are you talking about? What treat?”

Ungrateful! “Pwe! Wala! Thank you lang? Walang dinner date or something?”

“My apologies, may trabaho ako,” maikli niyang wika. Napa-‘tsk’ ako at umirap.

“Tigilan mo ko, Axel Cade Prystone. Sunday is free ka, rest day mo 'yun, hindi ba?”

PURE SERIES 1: Loving a Living Corpse (Under Revision)Where stories live. Discover now