Chapter 12

81 8 0
                                    

Sumang-ayon naman si Wilson. Buti na lang at hindi hectic ang schedules namin ngayon. Habang papunta kami sa ospital ay hindi ko mapigilang mag-isip. Bakit kaya niya ako binabaan ng tawag? Binanggit ko lang naman si Wilson sa kanya. Talaga bang nagseselos siya? Pero imposible naman 'yun. Kahit anong landi ko sa kanya hinding-hindi ko makukuha ang atensyon niya at parati siyang umiiwas. Hay, kailan kaya niya ako ika-clarify tungkol dito?

What if ipagpapatuloy ko na lang 'tong pagpapaselos ko sa kanya? Siguro naman ay bibigay rin siya sa huli. May point din naman si Wilson. Hindi siya aalis na nag-iba ang timpla sa mukha kung hindi niya ako gusto. Let's give it a shot, then.

“Wilson. Help me,” diretso kong wika.

Wilson glanced at me for a second. “About what?”

“Tulungan mo akong pagselosin ang doktor.” tinigil niya ang kotse sa tabi para makapag-usap kami nang maayos. Ang gentleman talaga.

“Sure ka ba d'yan? Baka upakan ako ng doktor mo. Mayari mukha ko n'yan,” nag-aalala niyang wika.

Umiling ako. Hindi naman siguro basagulero si Dr. Axel. “Huwag kang mag-alala, ako ang bahala. Atsaka wala naman talaga siyang karapatan magselos kasi wala naman kaming relasyon. Kaya kapag bumigay siya, ibig sabihin no'n ay may pagtingin siya sa akin!”

“Parang ako ang kinakabahan sa plano mong 'yan.”

“Hindi naman 'yon asal-tambay si Axel. Ako na lang ang sasangga sa 'yo para hindi niya matuloy.” mukhang nakumbinsi ko siya kaya nagpatuloy na siya sa pag-drive at bumalik sa daan. O baka naman napilitan lang.

Pagdating namin sa ospital at nagtanong kami sa front desk kung nasaan si Dr. Axel. “Hi! Nasaan si Dr. Axel Prystone?” tanong ko. Natulala ang nurse sa aming dalawa.

“AJ Montañez? Wilson Geronimo? Oh my god!” tumili ang nurse at napahawak sa pisngi. Nginitian ko na lang sila. Nakalimutan ko pala ang mag mask.

“Nasaan si Dr. Prystone?” pag-uulit ko.

Mukhang nahimasmasan naman ang nars sa tanong ko. “Nasa… room 25,” impit nitong sagot. Nagpasalamat ako sa kanya at nilingon si Wilson.

Marami na ring tao ang nakatingin sa amin. May iba na kumukuha ng litrato kaya mukhang magpo-post na naman ako nito ng clarifications.

“Halika na Wilson. Nasa room 25 daw sila.” tinanguan niya ako at sumunod sa dinadaanan ko.

Pagkarating namin sa silid ay nakita ko sa loob ang isang batang babae na pinipilit na kumain. Kumatok ako sa pinto at naghintay nang lumingon si Dr. Axel. Binuksan niya kami, kaso agad din napansin ang presensya ni Wilson kaya tinignan niya ako nang may pagtataka.

“Sinama ko siya, huwag ka magreklamo. Papasukin mo na kami,” wika ko sa kanya. He told us first about Luna, who have aplastic anemia and her story. Bigla akong naantig sa kwento ni Luna. Pumasok siya pabalik sa loob kaya sumunod na rin kami.

“See? Nandito sila para sa 'yo, Luna.” nakita ko ang mabilis na pag-angat ng tingin ng bata sa amin. Ang malungkot niyang mukha ay napalitan ng saya. Mukhang may mapapasaya na naman akong bata sa charity works ko.

“AJ Montañez?!” masaya nitong wika. Kumaway ako sa kanya.

“Hi Luna! Kumusta ka?” masaya ako na makita ang batang ito na masaya rin. Umupo ako sa tabi niya at naalala ang kasama ko. “Oh! May kasama pala akong kuya.” tinuro ko si Wilson na kumaway rin.

“Kilala ko po siya! Si Kuya Wilson! Ate AJ, bakit niyo po siya kasama?”

Ngumiti ako at inayos ang buhok niya. “Kasi… gusto ka naming dalawin. Kinuwento ka kasi sa amin ng Kuya Axel mo kaya na-excite akong puntahan ka namin.”

PURE SERIES 1: Loving a Living Corpse (Under Revision)Where stories live. Discover now