“AVRY JEAN!”
Mabilis akong napabangon sa kama ko. Ano ba naman 'yan! Inaantok pa ako eh!
“Anong nangyari?!” hiyaw ko na tulog pa ang diwa.
“Anong oras na AJ?! Marami ka pang recordings ngayong araw, at matagal ka'ng gumising?! At, ano 'to?”
Ayan na naman ang mga sermon niya. Mahina akong nagreklamo nang pabulong at tinabunan ang dalawa kong tenga.
“Kumain ka na naman ng ice cream?! Hays! Ang tigas talaga ng ulo mong babae ka!” patuloy pa rin siya sa pagsesermon? Alam niya bang nate-trauma ang boses ko?
Napatingin ako sa phone para tignan ang oras. Alas-sais pa lang ng umaga. Ano na naman ang pinuputok nitong si Denise? Ang tagal pa ng trabaho ko tapos gusto pa yata akong maparangalan ng Most Punctual Artist of the Year?!
“Denise... Six pa ng umaga, ang aga-aga. Alam mo bang napaka-OA mo?”
Pinakita ko sa kanya ang phone at napakamot ng ulo. Agad niya iyong pinalo palayo at namaywang.
“AJ, hindi mo ba naalalang may recordings ka pang gagawin mamaya?! Ano na lang ang ipapaliwanag ko sa director n'yan sakaling mawalan ka ng boses? Ha?! Hindi ka talaga nag-iingat!” Ugh. Ang ingay talaga niya! Gusto ko pa talagang matulog!
“Denise naman, patulugin mo muna ako please. Limang minuto lang,” wika ko at nagtakip ng kumot ngunit ilang saglit lang ay tinanggal niya ang kumot, “Denise!”
Sinigawan niya ako ng kung anong matatalinhagang pilosopiya patungkol sa pagiging maaga at lumabas ng kwarto na sabay bagsak sa pinto. Inis akong napabuga ng hangin at bumangon nang tuluyan, baka mag-ingay na naman siya na parang alarm.
“Tsk! Ano ba 'tong manager na 'to. Sampung araw na, Denise! Sampung araw na akong pagod.” inaantok pa rin talaga ako. Pero wala akong magawa kundi ang bumangon, humikab, pagkatapos ay tumungo sa CR para mag-ayos. “Heto na, AJ. Magsisimula na naman ang nakakapagod mong araw.” nagmumog ako, pumasok sa shower, at naligo nang maayos.
Pagkatapos ng halos isang oras kong ritwal at pag-aayos ay hinanda ko na ang mga gamit sa duffel bag na gagamitin. Nang natiyak kong wala akong kulang sa bag, bumaba na ako papuntang kitchen. Pagkarating ay nakahanda na sa mesa ang pagkain kong nutritious.
“Denise? Denise?” pagtawag ko sa kanya.
“Oh?” mataray niyang sagot nang lumabas siya mula sa stock room ko. Napangiwi na lang ako at umupo, “kumain ka na nga d'yan. Nagpa-reserve ako ng appointment sa hospital para masuri nila ang voice box mong kawawa.” nanlaki ang mga mata ko at kumunot ang noo. Grabe, hindi naman 'to masakit.
“What?! Bakit ka pa magpapa-appointment sa hospital? Okay naman ang boses ko. Pakinggan mo, pakinggan mo.” tumikhim ako at naghanda para kumanta.
“Teka–”
Pagkatapos humanda ay kakanta na sana ako nang umubo ako nang malakas dahilan para hindi ako natuloy. Gosh, sumakit ang lalamunan ko! Wrong timing!
“Tignan mo!? Ang tigas talaga ng ulo mong babae ka! Kumain ka pa ng maraming ice cream kagabi!” inabutan niya ako ng tubig na agad ko rin na ininom. Tinapos ko ang pag-inom bago dumepensa sa sarili.
“Isa lang 'yun! Maniwala ka!” matigas kong hiyaw. Isa lang naman talaga 'yun eh.
“Oo isa… Isang galon! Kaya bilisan mo na'ng kumain at pupunta tayo sa hospital!”
Ayan na naman siya. Ang overreacting talaga ng manager ko kahit kailan. Ah! Alam ko na!
Nilapitan ko siya, niyakap at nagpa-cute. “Denise,” inirapan lang ako ng gaga, “sorry na, please?”
![](https://img.wattpad.com/cover/231910597-288-k773870.jpg)
YOU ARE READING
PURE SERIES 1: Loving a Living Corpse [Under Revision]
RomansThey say, an apple a day keeps the doctor away. Yet is there a way on how to prevent the apple from scaring the doctor? Avry Jean is a playful and determined singer who wants to pursue an acting career but bumped her life with an aloof and understan...