Kinabukasan ay masaya kong sinimulan ang araw kagaya ng isang bulaklak na kadidilig lang. Hindi ko alam na mabilis lang akong patatawarin ni Cadey. Baka hindi niya lang matiis na hindi kami nagpapansinan. Ngunit hindi lang iyon ang natuklasan ko sa kanya.
Pagkatapos naming naglandian sa loob ng room nung araw na iyon ay mabilis niya ako dinischarge mula sa ospital para sa bahay ako magpapahinga. May rounds din siya ngayon at mukhang marami ang mas nangangailangan sa kanyang serbisyo kaya hindi na ako nagpabigat sa kanya. Pagkauwi ay tinext ko siya agad na nasa bahay na ako. Mabilis naman niyang nireplyan ang mensahe ko. In fairness, bumilis. Noon, umaabot ng tatlong oras bago siya maka-reply. Napangiti ako habang nag-aayos para matulog. Oh 'di ba? Bongga ng mga bagong pasabog ni Cadey tuwing may problema sa pagitan namin!
Balik sa kasalukuyan, nasa tent kaming dalawa ni Wilson habang naghahanda para sa next round. Dahil magka-partner kami ay hindi nag-abalang mag-separate ng tent ang direktor. Malaki-laki rin naman siya at may private dressing room.
“Wilson, na-memorize mo na ba ang mga linya mo?” tanong ko kay Wilson.
“Yeah. Nakuha ko na ang mga tamang ekspresyon at ang flow. If you're ready, then let's start a little rehearsal!” aniya habang nilalagyan ng makeup. Napagkasunduan namin na light makeup lang ang ilalagay, hindi naman kasi action ang gagawin. Hindi rin bagay ang heavy makeup sa drama scenes.
“Wait a minute, ipapakuha ko lang ang scripts. Denise! Nasaan na 'yung mga scripts sa mesa?” tanong ko sa kanya.
“Teka, nasa likod. Kukunin ko lang,” sagot niya at umalis.
Habang naghihintay kami ay agad akong tinapik ng kasama ko. “Sis, tapos na. Aalis na ako, okay? Tawagin mo na lang ako kapag gusto mo ng retouch. Babush!” wika ng makeup artist ko. Pag-alis ay tumingin-tingin ako sa paligid para i-check kung walang tao. Kinuha ko ang phone nang palihim.
Akala ko walang tao, kaso meron pala si Wilson at ang MUA niya. “Ah, Wilson. May tatawagan lang ako.” napatingin siya sa akin pero biglang nagpaalam ang kasama niya.
“Teka lang, AJ. Yes, salamat.” pagkalabas ng MUA ay binalingan niya ako ng tingin. “Who? Dr. Prystone?”
Nanlaki ang mata ko at sinenyasan siyang huwag maingay. “Paano mo nalaman?” pagtataka ko. Alam na kaya niya ang relasyon namin?
Napatawa siya nang mahina at pinagdikit ang mga palad niya. “Sino pa ba ang tatawagan mo maliban sa kanya?”
“You mean… Alam mo na?” tanong ko nang mahina.
“Of course, I can see you. Ngumingiti ka nga kanina pagdating mo na nasa phone ang tingin.”
OMG! “Hindi ba ako nagmukhang baliw?” baka iiba ang pananaw ng mga tao sa akin!
He shook his head. “Hindi naman. Sige na, tawagan mo na, I'll cover you,” aniya. Napabungisngis ako at lumayo nang konti. Tinawagan ko agad si Cadey para kumustahin siya. At sumusunod yata ang mga himala kasi sinagot niya agad.
(Where are you?) bungad niya.
“Nasa shooting pa rin. Bakit? Pupuntahan mo ko?” nakangisi kong tanong.
(Nope.) napasimangot ako. Hindi naman 'yun pupunta dito kasi magkaka-issue, baka mayari pa ako.
“Charot lang, Cadey. Pero ba't mo natanong?”
(I thought you're not. Your location is not at the usual building.) ah oo nga pala, nakalimutan kong nasa isang mansion kami ngayon. Malayo siya sa siyudad kasi nasa paanan ito ng bundok, pero maganda ang lugar. Hindi maingay at maganda ang gubat atsaka ang city na tanaw mo mula sa labas.
![](https://img.wattpad.com/cover/231910597-288-k773870.jpg)
YOU ARE READING
PURE SERIES 1: Loving a Living Corpse [Under Revision]
RomanceThey say, an apple a day keeps the doctor away. Yet is there a way on how to prevent the apple from scaring the doctor? Avry Jean is a playful and determined singer who wants to pursue an acting career but bumped her life with an aloof and understan...