Natapos ang araw na nasa isip ang sinabi ni Denise. Hindi ko siya natanong ulit tungkol kagabi kasi wala siyang ngayon. Umalis papuntang Hong Kong para i-treat ang sarili. Ewan ko ba sa kanya kung bakit sa Hong Kong pa siya pupunta, may MOA naman. Sabi niya mas maganda daw quality do'n. Tch, nagdadahilan lang 'yun siguro para makapag-date silang dalawa ni Dr. Jeoff niya. Porket pay day, gagastos agad.
Pero hindi pa rin ako makapaniwala na sila pala ang magkakatuluyan. Mukhang outdated ako sa lovelife niya kasi focused ako kay Cadey at sa career namin.
Somehow they fit to each other. Parang magaan kasi at lively ang aura ni Dr. Jeoff. Tamang-tama para bumalanse sa ugali ni Denise na mas mapait pa sa ampalaya. Pero hindi ko ine-expect na bibingwitin ni Denise ang dati kong crush!
Going back to Vivi, napansin ko rin na umiba ang timpla ng ugali niya. She's the bubbly girl I knew that gets red in front of Wilson, ngunit ngayon napaka-misteryoso niya.
“Is she really plotting something against me? Hindi ako makapaniwala sa kanya. Wala naman akong ginawang masama,” I sighed and took an orange slice. Nasa kotse ako ngayon ni Josh at kumakain ng orange habang hinihintay ang baklang owner ng studio nung sinamahan ako sa ampunan. Tinawagan niya ako about sa isang problema sa buhay. Ano na naman ba ang isyu niya sa buhay?
“Oh and'yan ka na pala Josh. Ano na naman ba ang problema mo ngayon? Nalugi ba ang studio?” bungad ko sa kanya. Mukhang stress yata si bakla ngayon. Gulong-gulo ang buhok tapos ang itim ng paligid ng mata niya.
Umiling siya. “Hindi studio ang nalugi ko, AJ. Puso ko ang nalugi.” nanlaki ang mata ko at umayos ng upo. Aba aba, mukhang bago 'to.
“Kwento mo bakla dali!”
“Alam mo naman siguro ang relationship ni Denise at kay Jeoff 'di ba?” tanong niya.
Oh my god… “Crush mo si Jeoff?!” I exclaimed. Love triangle na ba 'to?
“Si Denise! Outdated ka ba o sadyang wala kang alam?” inirapan ko siya't sinuntok sa balikat. Napaaray siya sa sakit at hinimas ang balikat nito.
“Pa'no ko malalaman? Busy ako sa career ko, 'di ba? Atsaka wala namang kinukwento sa akin si Denise. Malay ko ba?”
Hindi naman kasi pala-kwento si Denise tungkol sa buhay niya. Kung tatanungin ko, iibahin niya ang topic. Kung pipilitin ko naman siya, ayaw niya pa rin tapos hindi na niya ako papansinin hanggang iibahin ko ang topic. Kaya bahala siya kung mag-break man sila kung sakali, hindi ko siya ico-comfort.
“Oo nga naman. Pero anong gagawin ko? Hindi pa niya alam. Ayokong sabihin sa kanya na gusto ko rin siya, sila na ni Jeoff,” malungkot niyang wika. Tinapik ko ang balikat niya.
Nagtanong pa ako sa mga detalye ng pagdurog ng puso niya. Kinuwento naman sa akin ang lahat na walang pag-aalinlangan.
Nag-start daw 'yun two months ago. Parati palang pumupunta sa studio niya si Denise. Kaya pala pag tinatawagan ko minsan naka-off o hindi kaya unattended. Tsk!
Kinuwento niya rin ang nangyari. Simula no'ng nakulong silang dalawa sa loob hanggang sa first lunch nila. Pero friendly lunch nga lang daw. Kawawa naman, na-friendzone na agad.
Sa kalagitnaan ng pagkukuwento niya ay tumunog ang phone ko. “Teka lang,” kinuha ang phone at pinatay ito.
“Teka, ba't hindi mo sinagot?”
“Alam ko naman na si Denise 'yun. Bilis na! Ano ang sumunod?” umiling na lang siya at tinuloy ang kwento.
Gusto ko sana siyang suportahan pero ayoko mag-take ng sides. Fence-sitter lang ako. Kung saan si Denise, edi support lang ako sa kanya. Kaso kaibigan ko rin si Joshua, kaya ayokong mawalan siya ng isa pa kung sakaling lumayo-layo muna siya para mag-move on gaya ng naiisip niya.
YOU ARE READING
PURE SERIES 1: Loving a Living Corpse (Under Revision)
RomanceThey say, an apple a day keeps the doctor away. Yet is there a way on how to prevent the apple from scaring the doctor? Avry Jean is a playful and determined singer who wants to pursue an acting career but bumped her life with an aloof and understan...