Pagkarating namin sa bahay niya ay dire-diretso lang ako papasok nang hinawakan ni Cadey ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya nang may pagtataka.
“Wait.” he was hesitant to let me enter.
“Bakit?” tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at umiwas ng tingin.
Mahina niyang winika na nag-aalala siya. Napatawa na lang ako sa kanyang sinabi. Pfft, bakit ba siya mag-aalala sa akin? Para namang sinasabi niya na nangangain ng tao ang mga pinsan niya. “AJ, stop laughing.”
“Nagpapatawa ka ba, Cadey? Bakit ka naman nag-aalala sa akin? This will gonna be fine.” I assured him to not be worried. He's thinking too much.
“It's just…” tumigil siya sa sasabihin niya at bumuntong-hininga. “Come, let's go inside,” wika niya at naunang pumasok.
“Aba, hoy hintayin mo ako!” sigaw ko sa kanya at sumunod. Binuksan niya ang pinto at tumigil sa paglalakad. Buti naman at naisipan niyang tumigil. Inii-stress niya talaga ako. Tumungo ako sa tabi niya. “Buti naman at naisipan mong–” napahinto ako sa sinasabi ko nang napansin ang mukha niyang biglang naging galit.
Napadako ako sa tinitignan niya at nanlaki ang mata. OMG, kaya pala! Nakita ng mismong dalawang mata namin ang isang lalaki na nakikipaghalikan sa isang babae. Is that his cousin?
“What the fuck, Xeno?!” nagulat yata ang dalawa kaya natulak ng babae ang pinsan niya. In fairness maganda at napakaputi, tapos mukhang hindi yata 'to Pinay. Galing yata sa Amerika o sa Europa.
His cousin gulped and blinked. “Oh shoot, you're here, Ax?” napatawa ako nang mahina sa kanya. Mukhang nabitin yata 'to. Napatingin ang lalaking nagngangalang Xeno sa akin kaya tumigil ako sa pagtawa.
“Really? Right here? Outside my fucking house?” Cadey was already pissed.
“Wait, who's she? Your lover?” tanong ng pinsan niya na nakaturo sa akin, hindi sinagot ang tanong ni Cadey.
Axel nodded in response the leaned to his right side, peeping at the girl beside Xeno. “Who's she? I've never seen her before.”
“My client. Gotta problem?” nang narinig ko ulit ang pamilyar na linyang iyon, biglang bumalik sa utak ko ang sinabi ni Cadey sa mga kapatid niya no'ng nakita kaming dalawa sa closet. Psh, magpinsan talaga sila.
Kinalabit ko si Cadey at bumulong. “Magpinsan nga talaga kayo. Sinabi mo rin sa mga kapatid mo na–”
“Stop talking, let's leave them alone,” inis na wika niya at hinila ako papuntang taas. Sinundan kaming dalawa ng tingin at nag-usap ulit. Napatawa na lang ako nang mahina dahil sinubukang halikan ulit ng pinsan ni Axel ang babae ngunit inupakan siya nito. Nako, nako.
Binalik ko ang tingin kay Cadey at nagtanong. “Saan ba tayo pupunta?”
“You'll know when we'll get there.” napasimangot na lang ako sa sinabi niya. Tsk, walang puso. Porket nakita niya lang na ginawang motel ng kanyang pinsan ang bahay.
Nagtanong ulit ako nang nasa hagdan na kami papuntang second floor. “Nasaan pala 'yung isa mong pinsan?” mukhang ipapasok niya ako sa kwarto niya.
“You'll know when we'll get there.” napa-‘tsk’ ako sa kanya.
“Simpleng sagot lang naman ang kailangan ko, Cadey. Bad mood ka na agad? Bakit? Nainggit ka ba sa pinsan mo?” inis at nanghahamong tanong sa kanya.
Natigil si Axel at lumingon sa gawi ko, then cocking his head to the left. “Anong nainggit?”
“Inggitero,” inirapan ko siya. Biglang bumukas ang pintuan sa kwartong malapit sa amin. Lumabas ang isang lalaking may mukha ng isang Adonis na nakapaglaki ng mata ko. OMG, siya 'yung nasa picture sa wallet ni Axel! Pero hindi ko in-expect na mas gumwapo na siya ngayon! Kaso mas gwapo pa rin si Cadey!
YOU ARE READING
PURE SERIES 1: Loving a Living Corpse (Under Revision)
RomanceThey say, an apple a day keeps the doctor away. Yet is there a way on how to prevent the apple from scaring the doctor? Avry Jean is a playful and determined singer who wants to pursue an acting career but bumped her life with an aloof and understan...