Tinapos namin ang pagkain at nagpahinga saglit. Naunang umalis si Wilson dahil biglang tumawag ang assistant niya, may aasikasuhin pa sa kanilang kumpanya. Nagpaalam siya sa amin at iniwan kaming tatlo. Bago iyon ay hiningi ni Grae ang numero niya na mukhang nahimasmasan na mula sa kanyang nararamdaman kanina. Lumabas na rin kami ilang minuto dahil ayaw na manatili ni Grae sa restaurant.
“Axel. Let's go to a bar,” mahinang sambit ng pinsan niya pagkatapos kumain.
“I advise you not to. Besides, you'll just make me pay,” wika ni Cadey at uminom ng tubig. Mukhang ayaw niya yata na gumastos ng pera. Paano ba kasi 'tong pinsan niya, napaka-kuripot. Kung ako si Cadey, hindi rin ako papayag.
Umiling si Grae at inilabas ang wallet nitong mataba dahil sa laman nitong pera at cards. “Don't worry. I'll pay.”
“Now you know why Kitty broke up with you. You're so stingy. Let's go,” ngumiti si Axel pagkatapos niya itong binulas at tumayo. Hinawakan ko ang pulsuhan niya kaya napatingin siya sa akin.
“Teka Cadey. Sure ka ba?” iinom din ba siya? Paano kami makakauwi?
He ruffled my hair and assured me. “I won't drink, AJ. Sasamahan ko lang siya.” napabuga ako ng hangin at tumayo, nakakapit sa braso niya.
“Tara!” akala ko iinom siya eh. Pero may parte sa isip ko na gusto ko siyang malasing. Hihi! Ano kaya ang mangyayari kapag nakasama ko ang isang lasing na Cadey?
Pumasok kami sa kotse niya para umalis na. Nasa harap ako at sa likod naman ang pinsan niya.
“Cadey. Bakit nga pala siya sa 'yo nagpasama? Nasaan si Xeno?” pagtataka ko. Pwede namang si Xeno ang sumama kay Grae pero bakit si Cadey pa? Busy pa naman 'to.
He said that Xeno's busy with his girl and added that he can't control Grae with his brother's temper. He would just be annoyed and leave him.
“Siya naman ang pinakamatanda sa inyong tatlo, pero bakit hindi niya ma-control si Grae?”
“Xeno doesn't like fights. So he usually calls me for this. Sabi ko nga, hindi siya mapagkakatiwalaan.”
Napatango ako at nag-isip. Grabe. Napakaangas pala ni Cadey. Siya tuloy ang naging instant kuya kahit bunso.
“Barumbado ka siguro ano? Baka hindi ko alam na kasali ka pala sa isang secret organization tapos may tattoo ka pala sa katawan mo,” wika ko.
Napatawa siya nang mahina at pinaandar ang makina.
“You've seen my torso. I have no tattoos,” natatawa niyang wika.
“Baka pala nasa hita mo o hindi kaya…” tinignan ko ang balakang niya. Mukhang nabahala siya kaya tinakpan niya ang mga mata ko.
“Stop looking.”
Narinig ko ang pagdaing ni Grae sa likod na mukhang nasusuka na sa nangyayari sa kanyang harapan.
“Can you two please stop giving me live porn? I need peace.”
Napahagikhik na lang ako kay Grae. “Oo na, titigil na kami. Atsaka, makikita ko naman pa rin 'yon kapag kasal na kami.” Mahina ko 'yung sinambit kaya hindi narinig ng dalawa. Baka kung ano pa ang ire-react nila.
Halos sampung minuto na yata kaming nagbibiyahe ngunit hindi pa rin kami nakapunta sa bar.
Tinignan ko si Grae sa likod gamit ang salamin.
He fell asleep. “Cadey. Natulog na ang pinsan mo.”
“Sigurado ka ba? Let's go home, then.”
“Akala ko ba pupunta tayo sa isang bar?” tanong ko sa kanya.
YOU ARE READING
PURE SERIES 1: Loving a Living Corpse (Under Revision)
RomanceThey say, an apple a day keeps the doctor away. Yet is there a way on how to prevent the apple from scaring the doctor? Avry Jean is a playful and determined singer who wants to pursue an acting career but bumped her life with an aloof and understan...