Chapter 9

74 7 0
                                    

Napaka-init ng panahon ngayong Miyerkules kaya naisipan kong pumunta ng mall para gumala at mag-chill. Ayokong maginaw nang mag-isa sa bahay, atsaka ang papangit ng mga shows ngayon kaya hindi ako makapaglibang. Mabuti't wala akong work ngayon dahil may meeting ang management at hindi pa muna nila ako binigyan ng schedule for today. Dapat lang ano. Nakaka-stress kaya these recent days, lalo na kapag walang pakialam ang crush mo sa 'yo! Masakit pa rin ang heart ko sa ginawa at pakikitungo ni Dr. Axel sa akin, nakakalungkot lang. Talaga bang hindi niya ako gusto? Dahil doon, nagtatampo ako sa kanya at hindi siya kinausap— kahit text, wala— hanggang ngayon. Bahala siya d'yan, siya dapat ang gumawa ng paraan para magkaayos kami. Kahit ako naman talaga ang ugat nung nangyari. Pero bakit ba? Deserve ko ang magmahal at maging malandi sa crush.

Sa pagpasok ko sa loob ng mall ay tumungo ako sa isang jewelry shop para tumingin ng iba't ibang alahas doon na maaari kong magustuhan. At habang umiikot sa loob ng shop, na-hook ako sa pares na blue at red diamond ring. In fairness, mukhang bagay sa magkasintahan. Bagay kaya sa amin 'tong dalawa ni Dr. Axel?

“OMG, ang ganda! Talagang bagay nga sa amin ni doktor!” at ang cute pa ng design, as in! Gold ang singsing na may diyamanteng hugis puso. Bet ko 'to! Pares din ng golden singsing ang kutis na mala-porselana!

“Miss!” pagtawag ko sa isang staff nila na nakatayo sa counter nila.

Agad-agad siyang lumapit sa akin at in-eentertain ako. “Yes ma'am?”

“Magkano 'tong dalawang singsing?”

Tinignan niya ang tinuro kong pares ng singsing at mukhang inalala ang presyo nito nang ilang segundo. “Ah ito po ba ma'am? Itong color red po ay ₱349,999. At ang blue naman po ay worth ₱249,999. We also have version ng shades of the red and blue para bumagay sa preference ng customer. But the downside ma'am is that it's made to order, probably mga three months ang maximum,” aniya.

Ano ba 'yan! Ang mahal naman, pwede bang nakawin? Atsaka bakit ang tagal ng made to order? Sabagay, reputable ang jewelry shop, sa ibang bansa yata sila gumagawa at high-quality para talagang worth it sa customer ang kanilang binayad.

Nanlumo ako sa narinig. “Ahh gano'n ba. Ang cute kasi! Bet ko sana kaso mahal.” if only I have the money right now.

Biglang lumiwanag ang mukha ni ate at in-offeran ako ng options. “Pwede niyo pong ipa-reserve if hindi pa kaya ng budget niyo ma'am, kaso lang po may extra cost po kaming ilalagay na reservation fee and also customization fee. Pero pwede niyo po itong ma-avail thru installment in five years of monthly payment. Atsaka, may makukuha rin ho kayong discount sa interest by paying 25% in the first six months.” ay, ang gara naman ng offers nila. Ang isa, pwedeng customized ang reservation. Habang 'yung isa ay may discount sa monthly payments. Hmm, saan kaya ang mas worth it?

“Your owner is really nice, isn't he?! Nate-tempt tuloy akong kumuha, but maybe I'll think about this for some time. Pwede ko bang mahingi ang contact numbers ng shop? Maybe I'll just call for convenience.” kailangan kong mag-isip nang mabuti kahit deserved ko naman. What if hindi ko iyon mapanagutan? Ako pa mawalan ng trabaho at nanay!

“Sige po ma'am! I hope you'll find your heart to order those rings! Especially na bagay ho sa inyo at sa magiging boyfriend niyo!” hay naku, binobola mo 'ko? Depende na lang sa doktor na iyon. Pero malakas naman paniniwala ko na hindi siya mahirap magmahal ng kagaya kong diyosa!

Pagkatapos kong nakuha ang contact ng shop ay lumabas ako at nakahinga nang maluwag. Finally, a great deal! Gusto ko 'yung mga rings na 'yon ang susuotin sa wedding in the future! Sino naman kaya ang groom ko? Hihi! Secret muna! Masakit pa ngayon kung si Dr. Axel ang ine-expect ko!

Ngunit sa paglalakad ko, biglang pumasok sa isip ko ang dala-dalang infinity ring sa purse. Ike-keep ko na lang kaya 'to? Sayang naman din kasi eh, mukhang antique. May nakaukit pang designs dito. Hindi kaya kay Dr. Axel 'to? No'ng inamoy ko kasi, amoy alcohol lang. Kaso baka kay Wilson, mahilig rin siya mag-alcohol sa kamay e. Mamaya na nga 'to!

PURE SERIES 1: Loving a Living Corpse (Under Revision)Where stories live. Discover now