Nagsuot ako ng disguise bago lumabas sa kotse ni Dr. Axel. “Cadey, okay lang ba sa 'yo?” malungkot kong tanong, sayang kasi eh. Mame-meet ko na sana ang mga pinsan niya, na-cancel pa. Sa susunod sana na pagkikita namin, baka maging cousin-in-laws ko na sila! Charot!
“It's okay, this is better.”
Tumaas ang kilay ko sa kanya. “At bakit naman, aber?”
“Lesser responsibilities. Atsaka, maiwasan ko rin na bigyan ka nila ng masamang ideya. They're wicked and viceful, you're easy to be fooled by them.” aba! Binibwisit mo ko ah!?
“Heh! Bahala ka na nga d'yan, binibwisit mo 'ko! Umalis ka na!' sigaw ko sa kanya ngunit tinawanan lang ako ng doktor. Ang sama!
He winked. “Okay. Take care!” wika niya at tinaas ang bintana. Tinalikuran ko na siya at pumasok sa building pero tinawag niya ako pabalik. “AJ!” binaba niya ulit ang windshield. I rolled my eyes and went back to him.
“Ano?!” inis kong sagot. Tumingin-tingin muna siya sa paligid at sinenyasan ako na lumapit, mukhang may ibubulong. Paglapit ay nagulat ako dahil tinanggal niya ang mask at hinalikan ang labi ko. Napahawak ako sa dala ko nang mahigpit!
OMG! Kung naka-heels ako ngayon, baka mababali na sa kilig! “Goodluck.” 'yan ang huling sinabi niya sa akin at humarurot palayo. Kung alam ko lang na iki-kiss niya ako sana nakahalik ako pabalik, pero sinorpresa niya ako!
“Hihi! Paano na lang kaya kung kasama kami sa trip?” baka mas matagal na kiss pa ang gagawin niya!
Umiling ako at tinanggal ang mga iniisip ko. Tumuloy na ako papasok. Sinalubong ako ni Denise sa reception area.
“Hi Denise! Nasaan na ang contract signing?” tanong ko sa kanya. Binalingan niya ako ng tingin at inilagay sa bag niya ang phone.
“Nasa loob ng conference room nila. Gusto niya kayong makausap.” wait, kayo? Madami kami? Tinanong ko siya kung hindi lang ako nag-iisa. “Oo, at ikaw na lang ang hinihintay kaya halika na.” sinunod ko na lang siya papunta sa conference room ng building. Pagpasok namin ay nakita ko agad si Wilson at ang iba pang contestants ng show. Ngumiti ako at binati silang lahat.
“Hello! Hello Direk Lee!” kumaway ako sa kanila at gano'n din sila. Umupo ako sa upuan, katabi ni Wilson.
“Since nandito na si Ms. AJ, magsimula na tayo,” pangunguna ni direk.
Tumayo ang producer at tumungo sa harapan. “Okay. I will introduce again the show you're joining,” dagdag ng producer namin. Bumukas ang isang slideshow presentation sa likod niya. “Voice and Drama, a competition survival show for singers who are aspiring actor and actress in the entertainment industry of the country. The show features 24 newbies and mini-celebrities all over the country who wants to pursue their acting career and train to become the next breaking actors in the acting industry.”
Tinapik ko si Wilson, kaya napatingin siya sa akin. “Partner pa rin ba tayo?" bulong ko sa katabi ko.
“Oo, makinig ka muna.” I curved my lips. Sige na nga, mamaya na lang.
“The show consists of four rounds and one final round for ten weeks of broadcast. The final round of the competition will only feature the last two pairs. This is sponsored by the following companies…” hindi ko na siya pinakinggan pa at nag-phone nang patago.
Tinext ko si Axel para kumustahin siya.
‘Longing for you :'(’
Ilang saglit lang ay nag-reply na siya.
‘Pay attention. Focus.’
I replied with a crying emoji. Napanguso na lang ako at binalik ang tingin sa nagsasalita. At sa halos sampung minuto niya sa harap, natapos din sa wakas!
YOU ARE READING
PURE SERIES 1: Loving a Living Corpse (Under Revision)
RomanceThey say, an apple a day keeps the doctor away. Yet is there a way on how to prevent the apple from scaring the doctor? Avry Jean is a playful and determined singer who wants to pursue an acting career but bumped her life with an aloof and understan...