Chapter 6

82 8 1
                                    

Alas-kwatro na ng hapon no'ng natapos namin ang recording. Actually, kaninang alas-dos dapat kami natapos, pero tinawagan kami bigla ng producer dahil may sasabihin daw siya. Na-excite ako, malamang! Baka ire-recommend na niya ako sa international na crew at ipo-promote ako roon! Another milestone na naman ito for me!

Pinapunta kami ni Wilson sa loob ng conference room para bigyan ng privacy ang pag-uusapan at iwas issue na rin. Ngunit hindi man ang inaasam kong gantimpala ang narinig, masaya pa rin ako kasi inalok kami ng producer na kung pwede ba kaming mag-cameo sa movie na ipo-produce niya, like background singers or kung anong tawag doon. Napatalon ako syempre! Exposure din 'yun sa acting skills ko! Aba, kahit singer ako, marunong din ako mag-acting ano, magre-rehearse pala ako mamaya kay Dr. Axel. Tutal para naman siyang estatwa sa katigas kaya ayos sa kanya na maging propsman ko! Isipin ko na lang na anak ko ang dalawang kapatid niya at siya 'yung halimaw sa Bird Box!

Anyways, pumayag kaming dalawa ni Wilson. Konti lang naman din ang gagawin namin. Kakanta at tatayo. Uupo at tatayo. Kakain at iinom. 'Yun lang! Para tuloy kaming gatecrashers. Pero atleast makikita nang mga fans ang beautiful face ko. Atsaka partner pa talaga kami ni Wilson, ayy! Pak na pak! Pake ko sa fans niya, mas maganda ako sa kanila, charot! Baka mabugbog ako ng wala sa oras o hindi kaya masugod-bahay pagpatak ng hatinggabi.

Nag-exchange kami ng phone numbers ni Wilson kaya nilagay ko sa nickname niya Macho Gwapito. Hahaha okay naman siya roon kasi pinakita ko, napangiti pa nga siya! Pagkatapos no'n ay nagpaalam si Denise sa kasama namin dahil tinawag kami ng boss.

“Hi, boss!” bungad ko sa CEO ng kompanyang kinabibilangan ko. By the way, babae ang boss namin! Tapos kasing-edad lang ni Mama! Magkasing-tangkad lang din ni Mama, magkasing-taba, at magkamukha pa! Oo, si mudrakels ang boss ko.

“Kumusta ang recording ninyo?” tanong ni Mama sa amin.

Umupo ako sa sofa at nag-unat bago sumagot. “Ayos lang Ma, atsaka may ikukuwento ako sa'yo, hihi! Nakakakilig!”

“Oh tapos?” walang-interes nitong hiyaw. Hay nako si Mama, ayaw man lang maging masaya na masaya rin ang kanyang anak!

“Ma, ang gwapo ni Wilson! Bagay ba kami?” tumili ako nang mahina na sumunod ang kanyang nandidiring mukha.

“Avria, magtrabaho ka, hindi landi lang nang landi. Atsaka ang bata-bata mo pa para sa ganyan!” anong bata, Ma?! Bente na ako!

“Mama! AJ na nga lang eh! Ang sagwa ng Avria.” minsan talaga nakakainis 'tong si Mama, tapos kapag tatawagin ko naman siya sa totoo niyang pangalan, magagalit tapos hindi ako bibigyan ng sahod sa isang buwan. Tama diba ako, Papita? Ewan ko talaga kung bakit dumikit sa aking ang sumpa ng pangalan niya.

Tumaas ang kanang kilay niya. “Ah, tigilan mo ko, Avria. Siya nga pala, narinig ko kay Denise na may nilalandi ka'ng isang doktor? Anak, tirador ka talaga ng mga gwapong doktor, ano?” nanlaki ang mata ko, Denise nilalaglag mo na naman ako, traydor!

“Ma! Hindi ano! Loyal ako kay Dr. Jeoff! Atsaka, bakit ba? Bawal ba ako sa nga edukadong tao gaya ng mga doktor na kasing hot lang din ng mga celebrities dito?” well, parang sinungaling ako sa unang bahagi ng part na 'to.

“Ano ka ba! Hindi naman bawal! Basta't kaya mong buhayin ang dalawa mong kabit, okay sa akin. Mas maraming apo, mas maganda. Magpatali ka na kaya?”

Ano bang nakain ng nanay ko? “Sabi mo ang bata-bata ko pa? Tapos ngayon gusto mo na ako maging baboy.” nakanguso kong reklamo. Ewan ko talaga kay Mama kung saang lupalop ng bansa niya nakuha ang pagkaluwag ng turnilyo niya na sa kasawiang palad ay naipasa niya sa akin. Hays. Buhay nga naman. Idedemanda ko talaga si Gregor Mendel dahil sa pagdiskubre niya ng Genetics.

PURE SERIES 1: Loving a Living Corpse (Under Revision)Where stories live. Discover now