Masaya akong kumakain ng hiniwang prutas galing sa pinamili ng nanay sa sala. Lumabas siya kanina para mamili at lumabas ulit nang tinawagan siya ng isang agent na hawak niya. Nagpaalam naman siya sa aming dalawa ni Cadey at sinabing babalik din siya agad, iniwan kaming dalawa sa bahay.
Nakatingin lang ako sa TV at nakatutok lang sa pinapanood na dramang pinapalabas. Napakaganda talaga ng ekspresyon ng mukha nila at malalaman mong napakadalubhasa nila sa pag-aarte. Nakaka-inspire tuloy.
“Ikaw, kailan ka pa naging kerida ng asawa ko?! Walang hiya ka, tinuring pa naman kitang kaibigan!” sigaw ng bidang babae sa pinapanood kong teleserye. Napaka-flawless ng acting, akala mo talaga totoo.
“Hindi ko alam na asawa mo siya, Layla! Maniwala ka!” sigaw pabalik ng kanyang kaibigan.
Sus, napakahalatang nagsisinungaling. Parati namang kinukwento ni Layla ang kanyang asawa sa lahat, imposibleng hindi niya alam iyon. “Kahit na! Kitang-kita mo na may singsing na siyang sinusuot ngunit hindi mo pa rin siya tinigilan, hayop ka!” sinampal ng bida ang kerida ng asawa niya at tuluyang nag-away.
Sumubo ulit ako ng isang apple slice habang nanonood ng isang scene na mukhang mapapasubo ang mga mukha nila at buhok sa sobrang galing. Grabe rin pala 'yung mga sampalan dito. Talagang namumula ang mga pisngi nila. Atsaka 'yung buhok, parang matatanggal sa anit sa sobrang lakas.
“Paano na lang kaya kapag may project ako? Tapos may sampalan? Siguradong kawawa ang napakaganda kong mukha kung gano'n, hays.” ang hirap pala ng buhay artista. Tinignan ko ang tunog ng paggisa ni Cadey sa mga aromatics. “Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Mabisita ko nga.”
Binalik ko sa bowl ang kalahati ng apple slice at tumungo sa kitchen. Una ay sumilip lang ako para hindi muna mapansin ni Cadey. Naghihiwa na siya ng gulay ngayon at hindi ko maiwasang mamangha sa kanya.
“Wow. Ang gwapo niya habang naghihiwa.” looking at him from his back accentuates his toned and almost perfect body.
Hindi niya ako napapansin kasi halos nakatalikod na siya mula sa kinatatayuan ko ngayon. Ang dami pa niyang hihiwain, tulungan ko na kaya siya? I should lend him a hand.
After having a decision, naglakad ako papasok ngunit hindi ako lumikha ng ingay para mabigla siya. Nang nasa likod na niya ay ngumisi ako. One, two, three…
“Boo!” inambangan ko ng yakap mula sa likod ni Cadey kaya napatalon siya't malapit nang mabitawan ang kutsilyo.
“You scared me! Huwag mo nang uulitin iyon.”
Tumango ako habang hindi pa kumakalas sa kanya. “Hihi! Kumusta ka na dito? Nahihirapan ka ba? Gusto mong tulungan kita?” pag-aalala ko.
“No need, I can finish it. Maghintay ka na lang muna,” sabay turo niya sa sala namin. Ngumuso ako at kumapit sa braso ni Cadey.
“Ayoko! Nababagot ako doon eh, gusto kong tumulong.”
Napatingin siya sa akin kaya nagpa-cute ako ng ekspresyon, sakaling magbago ang desisyon niya. Mukha naman kasi siyang pagod eh, ayaw niya ba na matulungan?
He let out a soft chuckle. “Don't bother me. Maghintay ka na lang sa sala,” pag-uulit niya.
“E ayoko, ako na ang maghihiwa ng mga gulay. Sige na! Mamamatay ako doon sa sala!”
He let out a sigh of defeat. “Fine, fine. You are so annoying.” salamat naman at pumayag din siya! May kinuha siya mula sa kabilang counter at inabot ang manok mula sa sink. Binigyan niya ako ng bowl at dalawang itlog.
“Aanhin ko 'to?”
“You want to help, right? Beat these eggs and dip the chicken with it and coat it next this breadcrumbs,” pagbibigay ni Cadey ng instructions. Akala ko 'yung gulay ang ibibigay niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/231910597-288-k773870.jpg)
YOU ARE READING
PURE SERIES 1: Loving a Living Corpse [Under Revision]
RomanceThey say, an apple a day keeps the doctor away. Yet is there a way on how to prevent the apple from scaring the doctor? Avry Jean is a playful and determined singer who wants to pursue an acting career but bumped her life with an aloof and understan...