Chapter 2

137 12 7
                                    

Pagkabalik sa kotse ay hindi ko maitago ang kilig na naramdaman ko ngayon! Kahit naiinis ako sa kanya, napawi ang lahat ng galit ko dahil sa gwapo niyang mukha ay malapitan kong napagmasdan at ang kanyang sure na sure na toned body ay aking nadama! OMG, hindi ko ine-expect na gano'n ang mangyayari sa naming pagkikita! Sorry Dr. Cutie, papalitan na kita!

Para akong bulateng kinagat ng langgam sa katatalon sa loob. My gosh, self, kumalma ka! Hinarot mo lang ang isang hottie na doktor, para ka nang unggoy na kinulong at gustong kumawala! Pero kahit sinong pasyente naman yata na malandi ay magugustuhan ang doktor na iyon!

Buti na lang at binabayaran pa ni Denise ang charges sa loob kaya malaya akong kumerengkeng sa kalandian sa kotse. Ano kaya ang buong pangalan ng doktor na 'yun? Ang hot, atsaka ang tikas talaga niya! Yayanig na talaga ang lovelife ng superstar ninyo! Sayang hindi ko nakuha, apelyido lang alam ko!

Natigilan ako nang pumasok si Denise. "Hoy! Kinekerengkeng mo d'yan? Halika na. Binilhan kita ng gamot at bibilhan pa ng kung anong luya sa mall para sa nakakaawa mong boses na ikaw lang naman ang dahilan kung bakit nagkakaganyan."

Umalma ako syempre! Hindi ko naman i-expect na gano'n ang mangyayari! "Grabe ha, dito ka nabubuhay!"

"Atsaka ano ba ang nangyari sa inyo sa loob? Halos kalahating oras na kayo doon, alam mo ba?" reklamo niya. Napangiti ako nang naalala ko ang mga memorable na pangyayari sa loob. Ang lakas talaga ng tama ko sa doktor na 'yon!

"Ah basta! Huwag mo na ngang isipin 'yun! Ang mahalaga, okay lang ang boses ko at hindi ako magkakaroon ng breast cancer!" napasayaw ako nang kaunti sa saya na kanyang ikinataas ng kilay.

"May boses ba na naging suspek sa pagkakaroon ng breast cancer, ha? Depende na lang kung yayanigin mo ang buong mundo gamit ang boses mo." sinamaan ko siya ng tingin. "Sige na. Ibababa na lang kita sa studio. Ayusin mo ang trabaho mo."

Pagkababa niya sa akin sa studio ay kinawayan ko siya habang palayo na ang kotse. Nang nawala na siya sa paningin ko ay pumasok na ako sa loob. Ngumiti ako sa mga nakasalubong kong kakilala ko na.

"Maayong buntag, Ms. AJ!" masayang bati sa akin ng lady guard. (Translation: Magandang umaga)

"Hi ate! Ang blooming natin ngayon ah?"

Namula siya sa pambobola ko. "Blooming na dyud ko daan, inday. Abi pa lang." natawa ako sa sinabi niya at nagpaalam na tutuloy na. Pumasok ako sa office ni Joshua nang diretso. (Translation: Blooming na ako noon pa, inday. Walang kakupas-kupas.)

"Hey! Privacy!" sigaw nito na nagbibihis pa. Well, I don't give a damn.

"Hell you and your privacy, Josh. I need your help!"

"Ano ba 'yon? May kalandian ka na naman ba?" walang kainteresado nitong tanong.

Tumango ako at umupo sa sofa. "May kakilala ka bang Prystone ang apelyido?"

"You mean Dr. Prystone? The owner of Prystone Chain of Hospital?" sagot niya. Oo siya nga!

"Tumpak ganern! Keri mo na talaga lahat bakla!" pumalakpak ako.

Umalma siya na hindi raw siya bakla, pero sus, sinong niloloko niya. Alam kong karibal ko rin siya kay Dr. Jeoff! Hay nako. Tinukso ko pa siya nang kaunti bago tumigil nang sinabihan niya akong kukuha ng bagong singer.

"Okay na ba? Pwede ka na bang pumunta sa loob?"

"Teka lang! Atat much bakla? Ano ba ang buong pangalan nung doktor? Maganda ba ang pangalan niya? Sana 'yung manly pakinggan!"

"Kung maka-request, kala mo kaibigan 'yung nanay! Si Dr. Callaghan Y. Prystone? Eh ang-"

Hindi ko na siya pinagsalita pa dahil masaya akong nalaman ko ang pangalan ng hottie na 'yon. Napaka-manly nga! Tignan natin ngayon Dr. Callaghan Y. Prystone! Pagbabayaran mo ang ginawa mong pagpapakilig sa akin!

PURE SERIES 1: Loving a Living Corpse (Under Revision)Where stories live. Discover now