Nang tumila na ang ulan ay hindi man lang ako nagtagal kasi kinick-out agad ako ni Dr. Axel. Grabe talaga. Porket tinawag ko lang siyang ‘Cadey’, magagalit agad? Siya nga 'yung gustong magkaroon ng endearments. Ang cute kaya ng Cadey!
Alas-otso na kaya naisipan kong pumunta sa orphanage nang maaga. Pero syempre, sinundo ko muna 'yung dalawang napaka-cute na kapatid ni Dr. Axel. Ngunit nainis ako nang kaunti dahil hindi pa pala niya hinanda ang mga gamit ng mga bata! Ugh, akala ko ba na sumang-ayon na siya kaya ipinaghanda na niya ang mga kapatid niya?
“Bwisit talaga, ako pa ang pinaghanda riton Walang puso!” reklamo ko habang naglalagay ng mga essentials ng bata. Kaunti lang naman, pero nakakainis pa rin!
“Tapos ka na?” tanong nito na kapapasok lang sa kwarto. Ngumuso ako at inirapan siya.
“Nakakainis ka talaga Cadey.”
“Fuck, stop saying that weird name.”
Hala nainis din! Bahala siya, I will say it whenever I want!
“Ayoko! Bleh! Cadey, Cadey, Cadey!"
He blew air annoyingly and raised his right eyebrow. “Happy now?”
“Oo na, oo na. Baka ayaw mo pang ipahiram ang mga bata. Kikidnapin ko talaga sila.”
He scoffed and exit the room. Pagkatapos kong nag-impake ay tinangay ko na ang mga bata sa terror nilang kuya at dinala sa paraiso.
“Excited na kayo, Misty, Gio?” masaya silang tumango nang sabay.
“Mm! Ate AJ, bakit hindi sasama si Kuya?” tanong ni Misty.
“Eh kasi 'yung kuya ninyo, ayaw makisama, napaka-KJ niya 'no?” mukhang hindi nila naintindihan ang sinabi ko pero napatango na lang sila. “Sige! Bibili muna tayo ng ice cream! Gusto niyo ba ng ice cream?”
“Sabi po ni Kuya bawal daw kami ng ice cream kasi magkakaroon daw po kami ng cavities,” pag-alma ni Gio. Ang OA naman, hindi naman 'to araw-araw.
“Huwag niyo na intindihin 'yung kuya ninyo, okay? Konti lang naman para hindi kayo ma-curious.”
Nang huminto kami sa isang ice cream parlor ay bumili ako ng isang hazelnut ice cream at dalawang mini-cup ice creams. Binigyan ko sila ng tig-iisa na kinuha naman nila at masayang kinain. Nagpatuloy ako sa pag-drive papuntang bahay ni Denise para sumama sa amin.
“Denise! Denise!” sigaw ko at nagbusina.
Ilang saglit pa ay lumabas na siya ng bahay at tumungo sa driver's seat. Napatingin siya sa likod ng sasakyan ang nakita sina Misty at Gio. Oo pala, hindi ko pa siya sinabihan na may kasama kami.
“Saang lupalop ng Pilipinas mo sila kinidnap, AJ?!”
Grabe 'to, anong akala niya sa akin kidnapper? Syempre hiniram ko! “Hindi ko sila kinidnap ano! Hiniram ko sila kay Dr. Axel.” nanlaki ang mata niya at dahan-dahang tumingin sa akin.
“Dr. Axel? As in Axel Prystone?” tumango ako sa kanya. “Aba't nag-effort ka talagang kunin sila? Magkalapit lang pala kayo ng bahay?”
“Nasa dulo ng residence ang bahay niya. Nakita ko no'ng nag-jogging ako kanina. Atsaka wala kasing mag-aalaga sa kanila ngayon. Wala 'yung yaya nila kaya iniwan sila kay Dr. Axel ng ilang araw. May shift din siya kaya naging knight in pretty armor na ako sa kanya.”
Tumango-tango siya. “Ahh gano'n ba? Oh sige, mabuti na rin 'to sa kanila para makapaghanap din sila ng bagong kaibigan sa orphanage.” ngumiti ako at sinabihan siyang dadaanan muna si Joshuang baklita. Atsaka aawayin ko pa 'yun dahil sa misinformation niya tungkol kay Dr. Axel!
YOU ARE READING
PURE SERIES 1: Loving a Living Corpse (Under Revision)
RomanceThey say, an apple a day keeps the doctor away. Yet is there a way on how to prevent the apple from scaring the doctor? Avry Jean is a playful and determined singer who wants to pursue an acting career but bumped her life with an aloof and understan...