Chapter 13

87 8 0
                                    

Nakaupo lang ako sa couch ng office ni Cadey at parang baliw na ngumingiti nang mag-isa. Napahawak ako sa labi ko at inaalala nang paulit-ulit ang nangyari kanina. Nakakakilig! Sa wakas, nagtapat na rin siya ng nararamdaman niya sa akin! I felt like someone who got won in a grand lotto. More than a person who won the jackpot prize in an arcade game.

Alas-dose na at kasama ko pa rin ang doktor sa loob ng office niya habang gumagawa ng health report. Napalingon ako sa kanya na seryosong nagta-type sa computer at mukhang hindi matitibag. Halos dalawang oras na siyang na nakatutok sa screen. Iniisip ko na sa halos tatlong minuto naming halikan, wala ba siyang naramdaman? He was even as hungry as me in between our kisses. His crotch was hard until we were interrupted.

I decided to call his attention. “Cadey.”

Tinawag ko siya ngunit hindi niya ako pinansin. Kumunot ang noo ko at tumikhim. Still no response. Kahit man lang na balingan ako ng tingin, hindi niya ginawa. Tss, ayan na naman siya. Kanina rin, pagkatapos naming maghalikan, hindi na niya ako pinansin at tumungo agad sa computer niya nung nakatanggap ng mensahe. Tanging sinabi niya ay ‘I need to do something’, tapos, ayun! I am a non-existing thing again to him. He is really in love with his job.

“Ehem! Axel Cade!”

“Mm? I'm busy,” simpleng sagot niya. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin! Tsk! Inirapan ko siya at lumapit. Kinatok ko ang desk kaya tinignan na niya ako sa wakas ngunit nagta-type pa rin.

“Kailan mo ba ako iuuwi? I'm sleepy.”

“Later. I'll just finish this thing,” nakakairitang sagot niya. Tinignan ko ang nasa screen ngunit hindi ko maintindihan dahil halos pangalan ng gamot at sakit ang nasa report niya.

“Eh ang taas pa n'yan. Sure ka ba matatapos mo 'yan ngayon?” parang hindi pa siya nangangalahati. Hays, napaka-workaholic talaga. Are really doctors this workaholic that they would sacrifice their sleep for their works to be done? Sabagay, kami ngang singers paulit-ulit ko nang narinig na nag-overnight sa studio para matapos ang recordings.

Tumango siya. “I can. Please stop bugging me so I could finish it faster. I promise this will be quick,” aniya kaya napanguso ako.

“I want to rest now,” wika ko at humikab.

He looked at my back. “Just sleep on my sofa first.”

“Malamig. Matigas.”

Tinaasan niya ang temperatura ng aircon gamit ang remote.

“Ayos ba? Hindi naman ito matagal.”

Umiling ako nang mabilis. “Ayoko! I want to sleep on you,” malandi kong wika.

“Tigilan mo ako, Avry Jean.”

“Axel Cade! Bahala ka d'yan!” tumungo ako sa harapan niya at umupo sa hita paharap sa kanya.

His big chair is enough for us not to be cramped, lucky for me. Mabuti rin at hindi ako masyadong mabigat at malapit na sa payat ang katawan ko kaya hindi ako gano'n kahirap. Tutal, he looks strong in my eyes.

“What the hell, AJ. Someone might see us!” he warned, with his eyes vigilant on the direction of the door.

I gave him a poker face. “I don't care. Mamamatay kapag nainggit,” wika ko at yumakap sa kanya. I rested my head on his left shoulder.

“I can't type!” he complained.

“I'll sleep now, goodnight,” wika ko at pumikit. Napabuga siya ng hangin at hirap na nag-type ulit. Napangiti ako sa kanya. Still victorious, Axel. “It's so comfy here.”

PURE SERIES 1: Loving a Living Corpse (Under Revision)Where stories live. Discover now