Chapter 17

71 7 1
                                    

Pagkatapos naming mag-dinner sa isang restaurant ay inuwi na agad ako ni Cadey. I was so happy that he was with me. No interruptions. It's just me, him, and the food at that time. And even we were heading home, I was still smiling.

Cadey opened the door on my side and quickly looked at my feet. “Don't use heels for now. Magdala ka parati ng sapatos,” aniya pagkalabas ko ng kotse.

“Alam ko po, doktor. Ikaw rin! Puro ka na lang overtime sa work. Matulog ka rin nang sapat,” sermon ko sa kanya.

Alam ko kasing nine o'clock ang start ng duty ni Cadey tapos nine din sa gabi ang off. Ngunit nakakauwi na siya ng ala-una o alas-dos, pinipili talaga niyang mag-overtime. Halos bente silang doktor doon tapos nag-o-overtime pa rin? Pero naiintindihan ko naman siya na kailangan din siya ng mga pasyente. Naiinis lang ako kasi nalaman ko last week na alas-dos na nang gabi na si Cadey nakatulog. Sinubukan ko siyang kumbinsihin na gumamit ng mga beauty products sa bahay ko pero pinandilatan niya ako ng mata. Gusto ko lang naman na gwapo pa rin siya kahit late na siya. Atsaka bago ko lang nalaman na may linggo sila na walang pahinga sa weekends. Kaya pala noon ay kahit weekends ay busy siya.

Cadey scratched his nape. “I can handle myself. I'm used to it, AJ.”

“Pero Cadey naman eh, nag-aalala ako sa'yo. Kahit isang gabi lang. Kung ayaw mo, dapat gumamit ka lang ng face mask na binigay ko!”

He even gave me a disgusted face. “I don't do beauty care,” sagot niya.

“Buti ka pa nga. Kahit hindi nagbe-beauty care, ang gwapo mo pa rin,” nakanguso kong wika sa kanya. Naiinis na ako kasi ang katawan ng babae daming kaartehan, sa lalaki simpleng-simple lang ang pag-aalaga, okay na.

“Because I still exercise, and you don't. You always use your phone late and watch until midnight.”

Mayroon talaga siyang matatapon sa akin para manalo. “Opo, babawasan ko na. Basta! Matulog ka nang maaga ngayon! You're always late. Goodnight!” 'yan ang huli kong sinabi sa kanya at pumasok na sa loob. Pagkatapos kong gawin ang mga bagay bago matulog ay nag-message ako sa kanya na magpahinga na rin. “Humanda ka talaga sa akin kapag hindi ka pa natulog,” wika ko sa sarili at pinikit ang mga mata.

Tatlong shooting days na ang lumipas. Nasa labas kami building para mag-shoot ng bagong episode ng show. Pinakita sa akin kahapon ang final edited version ng advertisement at hindi ko mapigilang ngumiti. Okay na okay! Ang ganda pa talaga ng editing at aesthetic!

“Grabe, ang init pala sa labas. Sana alas-sais ng umaga tayo nag-shoot. Eh anong oras na? Alas-nuwebe at tirik na tirik ang araw,” reklamo ng kasamahan namin. Kaka-break lang namin mula sa challenge na binigay sa amin at basang-basa kami dahil doon. Nasa isang booth kami para magpasilong habang iniiba ng crew ang set for the next challenge.

Sumang-ayon naman kaming lahat sa sinabi niya. “Siya nga pala, Gayrin, ang swabe ng acting mo kanina, atsaka on point 'yung expressions! Pagpatuloy mo lang 'yan,” wika nung isa pa sa katabi. Masaya ako kasi hindi uso sa amin ang karibalan at galitan. May kilala ako dito pero konti lang, sa liit namin ay nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. After ng set namin kanina ay naglaro pa kami ng basa-basaan gamit ang mga water gun namin.

“Salamat, Xiera. Pagbutihin mo rin mamaya, kaya naman nating lahat 'to, 'di ba guys?”

“Naman!”

“Madali lang!”

Sabay-sabay naming sagot na halos hindi kami nagkakaintindihan. Napatingin ako sa lahat ng kasama ko at napansing kulang pa rin kami.

“Nasaan nga pala si Wilson? Sampung minuto na ang lumipas mula nu'ng nagpaalam siya sa atin,” nagtataka ko wika. Nagpaalam kasi siyang may pupuntahan siya saglit pero hanggang ngayon wala pa rin.

PURE SERIES 1: Loving a Living Corpse (Under Revision)Where stories live. Discover now