Chapter 8

83 8 0
                                    

(Ano 'yung nakita ko, Avry Jean?! May ginagawa ka na namang kalokohan ha?!) malakas na sermon sa akin ni Denise mula sa kabilang linya.

Kinabahan ako sa balita tungkol sa akin dahil first issue ko ito since the start of my career. Dahil sa nakitang tweet na iyon, tinawagan ko kaagad si Denise para malaman kung ano ang next step namin, hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari. Simpleng lunch nga lang iyon! Atsaka, halata naman na katatapos lang ng taping namin. Sa site pa lang, ang dami nang paparazzi at mga media. Porket sabay lang nagutom ang tao, magkarelasyon na agad?! Mga netizens talaga!

"Denise, I'll explain it to you clearly, it's just a friendly lunch, okay? Alam mo 'yun, pero ang interpretation nung nag-post ay hindi ko alam kung saang lupalop ng planeta natin niya kinuha!" depensa ko.

Mabilis naman niyang iniba ang topic.(Then explain Dr. Prystone?! Bakit nando'n ang doktor na iyon?)

Nang nakita ko ang mga attached pictures ay kaming dalawa ni Wilson ang focus sa tweet. Nagpapasalamat ako dahil blurred ang katawan ni Axel sa lahat ng pics, nagmukha tuloy siyang passerby lang. Mahirap na kung klaro siya, baka sasabihing two-timer ako.

"Edi kumain, syempre! I just stumbled him there kaya pinakilala ko siya kay Wilson," I explained. Totoo naman, unexpected ang nangyari! Malay ko ba na kakain din siya doon at mao-overheard ang conversation namin ni Wilson? Hindi ko naman kontrol ang buhay niya.

(What a coincidence!) Denise exclaimed.

"Coincidence talaga! Atsaka alam ko rin ang consequences kapag nagpahalataan ako, ano!" sakit talaga sa bangs 'tong mga chismosa sa internet.

Bilib na ako sa mga paparazzi. Hindi ko alam kung ano ang tinuro sa kanila sa trabaho, na ang mga simpleng friendly namin kanina ay gagawan ng misinterpreted story na naaayon sa kanilang imahinasyon! Sana naman gumawa na lang sila ng fanfiction o hindi kaya nobela para naman may publications na silang maiiwan.

(Okay, okay. I trust you. Just clarify it, ASAP! Ikaw ang dapat gumawa, sabi ng management. Huwag kang defensive okay? Just do what you can do to clear the situation!) aniya at pinatay ang tawag. Aba, pinatayan ako?!

Tinawagan ko siya ulit. Hindi pwede iyon!

(Oh?) sagot niya. Hindi ko siya pinansin at in-end ang tawag. Ako dapat ang magbaba!

Umupo ako nang maayos at inayos ang bangs ko. Hays! Mga tao talaga ngayon. Ang dami na palang Lola Basyang! Binuksan ang Twitter account para gumawa ng tweet kasunod ng issue. May messages ako galing sa mga fans ko, iba naman ay tag notifications. Basta chismis, ang dami! Sana ganito rin sila kadami kapag ire-release ang singles ko.

Hindi ko na 'yon pinag-abalahang tignan at nag-post na lang ng clarifications. Nag-isip ako ng caption na bagay sa setting sa nangyari kanina. At nang nakakuha na ako ng magandang storya ay agad ko iyong tinype.

AJ The Singer
@AToTheJ

So full with my new friend! Thank you for the celebration lunch today, @Wiilson! I really enjoyed it kasi libre! Also, may nadiskubre ka'ng isang magandang restaurant to dine for kapag nato-Tom Jones kana! Hahahaha!

For more food trip destinations, check out my updates to experience a unique journey of some of my favorites here in our city!

I inserted the picture we took before we ate. And posted it without hesitations. This should be enough. Alam kong may fans naman si Wilson na alam ang salitang 'friend' sa tweet ko, hindi ba? Napangiti ako sa ginawa kong parang sampal sa chismosang Twitter user na 'yon. Case solved! Beautifully done, AJ!

PURE SERIES 1: Loving a Living Corpse [Under Revision]Where stories live. Discover now