Chapter 18

56 6 0
                                    

Kanina pa ako nakaupo sa kama ni Cadey, nakatingin at hinihintay na matapos ang lalaking namomroblema. Hindi naman dapat siya maging conscious sa susuotin ngayon. Hindi naman gano'n ka OA si mama. Ewan ko sa kanya kung bakit ang tensed at mukhang binagsakan ng langit at lupa. Akala niya siguro nangangain ng tao ang nanay ko. E para lang siyang ako. Mas grabe nga lang ako kumpara sa kanya.

“Kanina ka pa d'yan tensed kakapili ng susuotin mo. Ninenerbyos ka yata e. Bakit ba?” natatawa kong tanong. Nahihilo na akong tingnan si Cadey kasi pabalik-balik siya ng lakad sa closet na may bagong pares ng damit sa tuwing lalabas.

He let out a sigh. “I'm not tensed,” maikli nitong sagot.

“Weh? Ako na nga ang pipili sa'yo.” tumayo ako at pumasok sa loob. May nakita akong isang polo shirt na kulay maroon. Tamang tama, partner kami ng kulay. “Ito ang gamitin mo.”

“Sigurado ka bang bagay 'to sa akin?” bakas sa boses nito ang pag-alala. Tumango ako at tinulak siya papasok ng closet.

Sinabihan ko siya na bilisan at binigay sa kanya ang polo shirt. Bumalik ako sa pagkakaupo at tumingin sa hita. Teka, ang ganda ng lighting. Makapag-picture nga. Matagal na akong walang ganitong klaseng updates sa IG. Inilabas ko ang phone sa purse at kumuha ng konting snaps. Ipopost ko 'to mamaya!

“How is it?” tinignan ko siyang kalalabas lang ng closet at napanganga. He was like a stunning actor with a toned, not buffed yet not slim, body.

Oh my… geez, ang gwapo ni Cadey! Mukha tuloy siyang pupunta ng isang casual party. But still attractive. Bagay na bagay sa gwapo niyang mukha!

Napatalon ako sa kanya at lumapit. “Ang gwapo mo d'yan. Promise!” I heard him scoffed.

“Let's go. Your mother must've been waiting,” aniya at hinawakan ang kamay ko. Lumabas na kami ng kwarto at tumungo sa kotse.

“Teka, ang buhok mo, hindi pa nasusuklay.” pinahinto ko siya at sinuklay ito gamit ang kamay ko. Mukhang walang pinagbago sa hairstyle niya. Pinastraight ko lang ang magulo niyang buhok pero same pa rin ang posisyon nito. 'Di bale na, gwapo pa rin siya.

He smiled and went close to my ear. “Don't bother it. Tara na,” aniya at tinanggal ang kamay ko.

“Wala namang pinagbago e,” mahina kong sambit at pumasok na sa loob.

Ilang minuto mula nung nag-drive si Axel ay bigla siyang huminto sa isang sweets shop. Tumingin siya sa akin at tinanggal ang seat belt ko.

“Bumili muna tayo.” tumango ako sa kanya at sinuot ang disguise ko bago lumabas.

“Mukhang bago lang 'to. Paano mo nadiskubre ang shop?” tanong ko sa kanya. Pagpasok namin ay tumambad ang isang mahabang salaming maraming display na cakes at ibang sweet stuffs.

Bumati ang isang empleyado sa amin na nasa cashier.

“Is your strawberry cream cake available?” tanong ni Axel. Teka lang paano niya nalaman ang favorite ni mama? Wala naman akong nabanggit sa kanya.

“Meron po sir. Eksakto at kakatapos lang ng chef namin ito gawin,” wika nito. Umorder si Cadey ng isa. “Okay, anything else, sir?”

Lumingon siya sa akin, “sweetheart, do you want to order something?” tanong niya. Nanlaki ang mata ko, hindi dahil sa tanong niya, kundi sa pagtawag niya sa akin.

“Sweetheart?” bumilis ang tibok ng puso ko. Siguro alam niyang may issue kapag sabihin ang pangalan ko kaya naintindihan ko siya. Kaso napakatamis ng pagkasabi niya, hindi ko napigilang mapangiti.

“Pick something for you.” kahit hindi niya kita ay napangiti ako sa kanya at tumingin-tingin sa mga naka-display.

Tinuro ko ang isang maliit na cake. “I'll take this mango graham mini cake… at itong matcha mini cake. Idagdag mo na rin itong isang box ng assorted cookies.”

PURE SERIES 1: Loving a Living Corpse (Under Revision)Where stories live. Discover now