005

62 7 2
                                    

A familiar white room greets me as soon as I open my eyes. I see the man who has been by my side ever since, having such worriedness in his eyes. 

"What happened?" I asked when I finally have the courage to do so.

"Hinimatay ka sa pasilyo," sagot ni Kit kaya tumango na lamang ako.

"Miss Fortaleza, mataas ang lagnat mo pero pumasok ka pa rin. You should have stayed in your house for you to rest," wika ni nurse Joy nang tuluyan na siyang nakalapit sa amin ni Kit.

Kaya pala ang bigat ng pakiramdam ko kanina. I know na may sakit ako pero kailangan ko talagang pumasok ngayon.

Iyong quiz!

"Ven, tama si nurse Joy. Hindi ka na sana puma—" hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil bigla akong napaupo galing sa pagkakahiga.

"Ven naman. Magpahinga ka na muna," nangangaral na wika ni Kit nang agad niya akong dinaluhan.

"Iyong quiz..."

He sighed. "Tapos na. Kanina pa."

Nanlumo ako dahil sa narinig ko.

"Don't worry. Sinabihan ko naman si ma'am Toralba na nandito ka sa infirmary. She understands your situation and she also said that you can take a special quiz."

My face immediately lift up because of what I heard from him.

"Talaga?"

He nodded while smiling. I throw myself to him and hugged him tight. I owe him a lot. Hindi niya talaga ako pinapabayaan. Hindi niya ako iniiwan kahit ano pa mang nangyari. He is always here by my side and I am grateful for that.

"Thank you. You're the best. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka," saad ko habang nakayakap pa rin sa kanya.

"Alam mo naman na lagi akong nasa tabi mo kahit ano pa ang mangyari."

My eyes welled up after hearing those.

Gosh! I'm sure dahil ito sa lagnat ko kaya napakaemosyonal ko ngayon.

"Kaya ngayon ang dapat mong intindihin ay ang magpahinga ka lang. Ako na ang bahala sa notes at papahiramin na lang kita," he said after we broke our hug.

Ngumiwi ako sa narinig sa kanya. "Hindi ka naman nagsusulat ng notes."

Napakamot siya sa batok niya at nginitian ako nang alanganin. "I'll try."

"Sigurado ka? Kung pumasok na lang kaya ako para hindi na kita maabala."

"Hindi pwede," maagap niyang sabi.

"I promise, magsusulat ako ng mga notes tungkol sa discussion natin para maipahiram ko sa'yo. Magpahinga ka lang dito at ako na ang bahala."

"Are you sure?" I asked, being a bit uncertain but he just gave me a sweet smile that made me smiled at him too.

"Thank you, Kit," I said having my most sincere voice.

"Basta para sa'yo. Handa akong gawin ang lahat," he said looking straight into my eyes before he turned his gaze to nurse Joy.

"Ah nurse Joy, pwede bang dalhan ko na lang ng pagkain dito si Ven para hindi na siya lumabas."

"Kit, bawal talagang kumain dito pero sige... pumapayag ako lalo pa't mataas talaga ang lagnat ni Venice."

"Thank you, nurse Joy," sipi ni Kit nang nakangiti kaya gumanti rin ng ngiti si nurse Joy sa kanya.

"Sige, Ven. Bibili na muna ako ng lunch natin," paalam niya sa akin kaya naman nginitian ko siya hudyat upang lumabas na siya ng infirmary.

Don't CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon