"Paris. Paris, anak. Lumaban ka," emosyonal na saad ni mommy habang nakahiga si Paris sa stretcher na walang malay."Paris, please wake up," I said while tears keep on strolling down my face as I touch the stretcher and join them in bringing her towards the operating room.
"Umalis ka na!" mommy said as she harshly take off my hand on the stretcher.
"Mommy, please," I plead at her but she never listens as she join the nurses.
Hindi niya ako nilingon. I can sense her extreme anger towards me. Ako ang dahilan kung bakit nandito ngayon sa hospital si Paris. Ipinahamak ko siya.
Patuloy lamang sa pagtulo ang mga luha ko. And it became louder when dad enveloped his arms on me.
"I'm sorry. Hindi ko po sinasadya. Ako dapat 'yong nandito. Ako dapat ang nasagasaan ng truck, hindi ang kapatid ko," I blubbered as my father continue to hug me.
"Anak, hindi mo kasalanan. Don't blame yourself. Walang may gusto na mangyari ito. Shhh. Tahan na," pag-aalo niya sa akin pero imbis na tumahan ay mas lumakas pa ang pag-iyak ko.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag kay nangyaring masama sa kapatid ko. It's my fault. It's all my fault.
Kung sana mas naging aware lang ako sa paligid ko. Nailagan ko sana ang truck at hindi na ako kailangan pang iligtas ni Paris. Kung sana hindi ako preoccupied ng oras na iyon.
Kung sana...
She is my only sister I have. I couldn't afford to lose her.
Please Lord, I am willing to do anything and give up everything, just please save my sister. She's too young to die. She's too young to leave this world. Marami pa siyang kayang gawin. Marami pa siyang mga bagay na dapat maranasan. Just let her be safe. I am begging you, Lord. Save my sister. Save Paris.
"Athena." Tumayo si daddy at sinalubong si mommy.
"A-ano na ang nangyayari sa anak natin?"
"She's in critical state right now. Malakas ang impact na natamo niya sa pagkakasagasa sa kanya. Her head and spine is the most affected one."
"Diyos ko, sana maging maayos na ang lagay ni Paris. I couldn't afford to lose our daughter, Athena."
"Ako rin naman. Hindi ko alam kung kakayanin ko kung mawala sa atin si Paris." Then her eyes travelled to me.
Her lonely eyes are turned into eyes full of anger and hatred.
Hindi ko rin naman siya masisisi.
"Ano pang ginagawa mo rito?" mariin niyang tanong sa akin.
Kahit pa nanginginig ay pinilit kong tumayo at akmang lalapitan siya. "Mommy."
Tinabig niya ang kamay ko dahilan upang muntik pa akong mawalan ng balanse kaya agad akong dinaluhan ni daddy.
"Athena," daddy said in a hard voice but mommy didn't mind him. Her eyes full of wrath are directed only to me.
"Ikaw ang may kasalanan kung bakit nandito ang anak ko kaya umalis ka na rito at hindi ka namin kailangan."
"Mommy, alam ko naman po eh. Pero kapatid ko po si Paris. Gusto kong malaman kung ayos lang siya. Gusto kong nasa tabi niya ako kapag gumising siya," I said crying while looking at her with pleading eyes.
"I don't care. Ang gusto ko umalis ka rito at baka hindi kita matantsa," mommy said with a gritted teeth before she left.
"Dad..."
BINABASA MO ANG
Don't Cry
Novela JuvenilThe second book of 'Don't Go'. When Lay left Venice, her heart was shattered into pieces. She keeps on questioning what made him decide to crash the hope she had on the love that she thought would last. Yet, she thought wrong. She was left alone mis...