"I'm happy na maayos ang lahat para sa'yo. At least nakikita na ulit kita na nakangiti na walang iniisip na problema," saad ni Kit sa screen ng ipad ko.I am currently sitting on the bench at the lanai area. Galing dito ay kitang-kita ko pa ang maganda at malaking pool ng mansyon.
"Oo nga eh. Everything felt surreal to me. Kung pwede nga lang sampalin ang sarili ko para mapatunayan ko na hindi ako nanaginip, ginawa ko na."
"Try mo. Malay mo panaginip lang pala talaga ang lahat," aniya dahilan upang sumingkit ang mga mata ko sa kanya. Humalakhak naman siya dahilan upang mas lalo pa tuloy sumisingkit ang dati na niyang singkit na mga mata.
Ang sama rin talaga ng best friend ko sa akin. Pasalamat siya at mahal ko siya eh.
"Sige. Tumawa ka pa riyan," naiinis kong wika.
He tried to stop on laughing but it is of no use. "Sige. Heto na. Ang bilis mo naman talagang mapikon." Nagawa niya pang umiling habang may bakas pa rin ng ngisi sa kanyang labi.
"Hay naku, Kit. Kung wala ka rin naman magandang sasabihin ay mabuti pang ba-bye na."
"Wait. Sandali lang naman. Let's talk some more," aniya at inikutan ko naman siya ng mata.
I saw his face became serious. "So magkasama ulit kayo ni Yves sa iisang bahay?"
"Basically, dahil dito rin siya nakatira. 'Tsaka isang linggo lang naman, then after that ay babalik na ako sa bahay namin," paliwanag ko sa kanya at nakita ko naman siyang tumango.
"Is there a problem?" I asked and he immediately shook his head.
"Wala naman." Then he smiled. "Kumusta naman ang pag-stay mo diyan? Are you having a good time?"
"Sobra. Ang kulit-kulit nga ni Misha eh. Kapag nakilala mo siya, I'm sure na manggigil ka rin sa kadaldalan niya. And si mommy, pampered na pampered ako. Ramdam ko talaga na bumabawi siya sa mga nasayang na panahon namin."
"Paano 'yong asawa niya? 'Yong tatay ni Yves? Maganda naman ba ang trato niya sa'yo?"
"Ang bait-bait ni tito Edward, Kit. I am so happy dahil siya ang pinakasalan ni mommy. I feel relieved to know that my mother is in good hands," sagot ko sa tanong niya at tumango naman siya.
"Ah si Yves?" he asked and I can sense sadness in his voice.
I tried to pretend not to notice it.
"Punta ka rito kung kailan. Gusto kitang ipakilala kay mommy," I invited him then my lips are curved into a smile. Napatawa pa ako nang makita ko na lumaki ang kanyang mga mata.
Akalain mo iyon. Lumalaki rin pala ang mata ng mga singkit.
"S-seryoso ka?" kinakabahan niyang tanong dahilan upang mas tumawa pa ako.
"Of course I am serious. Bakit parang kinabahan ka bigla? Hindi ka naman ganyan nang nakilala mo sila daddy ah."
"Iba naman kasi iyon."
"Anong iba? They are still my parents."
"I met them before I fell for you," aniya sa maliit na boses pero narinig ko pa rin.
Napatigil ako dahil doon. Ni hindi na rin ako nakakahanap ng salita upang bigkasin. I just continue to stare at my ipad.
Maya-maya pa ay nakita ko siyang ngumiti nang malungkot. "Sige, Ven. Tinatawag na ako ni mama eh," sambit niya kahit hindi ko naman narinig na tinawag siya ni tita Paula. Then seconds later, our video chat ended.
I was left there with my confused heart. I am sure that I fell for my best friend but I am not really that sure up to what extent.
Mas mahirap kasing tanggapin na nagkagusto ako kay Kit kaysa kay Lay. Kit and I had been friends since highschool. Mas matagal ko mang nakilala si Lay pero mas marami naman kaming napagdaanan ni Kit na magkasama. It is harder to take a leap on my relationship with him.
![](https://img.wattpad.com/cover/224640614-288-k608364.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't Cry
JugendliteraturThe second book of 'Don't Go'. When Lay left Venice, her heart was shattered into pieces. She keeps on questioning what made him decide to crash the hope she had on the love that she thought would last. Yet, she thought wrong. She was left alone mis...