017

54 7 0
                                    


"Anak, bakit ang tagal mo? Sino ang nariyan?" tanong ni mommy nang makalabas na siya.

"Long time no see, Althea," mommy Athena said without a smile on her face.

Mommy Althea was taken aback as she looked at the couple outside the gate. "Anong ginagawa niyo rito?"

"Is that how you greet your twin sister?" mommy Athena asked while raising her perfectly done eyebrow.

"Huwag ka nang mag-eskandalo." Rinig kong mahinang sambit ni daddy kay mommy Athena at sinubukang hawakan ang braso nito pero inilayo lamang ito ng panghuli.

Hindi naman nagpatalo si mommy Althea at tiningnan niya rin nang diretso ang kanyang kakambal. "What are you doing in my house?"

"Kukunin ang hindi naman sa iyo." After mommy Athena said those words, she immediately grab my arm and is about to drag me but mommy Althea reflex is fast enough to grab my other arm.

"Ano bang pinagsasabi mo? Nababaliw ka na ba, Athena? Anak ko si Venice kaya ako ang may karapatan sa kanya," mariing wika ni mommy Althea.

"Ikaw lang ang nagluwal pero hindi ikaw ang nagpalaki sa kanya."

"Dahil kinuha niyo siya sa akin!"

"Dahil wala kang karapatang maging masaya pagkatapos nang ginawa mo!"

Mommy Althea laughed sarcastically. "Mahigit dalawampung taon na ang nakalipas. Hindi ka pa rin nakakamove on?"

"Hindi. At wala akong balak na hayaan kang maging masaya," mommy Athena said as she forcefully take me away from my true mother's hand.

Agad naman akong nasalo ni daddy upang hindi ako sumubsob sa lupa.

"Wala kang karapatan kay Venice kaya hindi ka pwedeng makipagkita sa kanya."

"Anak ko pa rin siya, Athena. Hindi mo mababago iyon!"

"You're just her biological mother. We are her legal parents. Technically speaking, we have greater rights to your daughter."

Mommy Althea became silent for awhile before her pleading eyes darted to daddy. "Nakasama mo na ang anak natin ng mahabang panahon. Ibigay mo na sa akin ang pagkakataong ito."

Pilit inilalayo ni daddy ang tingin niya sa kanya. I can also feel daddy's trembling hands while holding me.

Ayokong malayo sa kanila ni mommy Athena pero sa pagkakataong ito ay mas gugustuhin kong mas makasama ang aking tunay na ina.

"Owen, nakikiusap ako sa'yo."

"Get lost, Althea. Dapat hindi ka na lang bumalik," wika ni mommy na may bakas ng galit at pagkatapos ay tumalikod at nagsimula nang naglakad papunta sa kotse.

"Owen, please." Her misty eyes plead for more.

"I'm sorry, Althea. Pero hindi ko kayang mawalan ulit ng isa pang anak," mahinang usal ni daddy at akmang hihilahin na ako paalis nang agad akong kumawala sa kanya at tumakbo payakap kay mommy Althea.

"Mommy, ayokong sumama sa kanila. Dito na lang ako. Please," I said in between my sobs.

"Anak, ayoko rin na bitawan ka," she lamented. Mas isiniksik ko ang mukha sa kanyang dibdib at hinigpitan ang yakap.

"Mommy, kahit anong mangyari huwag mo kong ibibigay."

"Venice, tara na," mahinang saad ni daddy at akmang hahawakan ako. Inilayo ko ang sarili ko sa kanya at mas lalong yumakap kay mommy.

I don't want to let go in this hug because once I do, I am afraid that I will be forever taken away from her.

I don't want to be away from my mother this time again.

Don't CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon