Chapter: 16

31 2 0
                                    

Father's Downfall

Chapter: 16

"Daddy?" 

"Señiorita gising na po pala kayo."

"Si daddy po?" Agad niyang tanong 

"Nasa likod po siya nang Rancho nagpa-practice nang ano?" Takang tanong niya.

~

Halos sunod-sunod ang putok na ginawa ko sa mga target, hindi pa rin nagbabago ganun pa din ako humawak at mag ayos nang mga baril.

Pansin ko na hindi naman lagpas dahil halos lahat ay malapit sa ulo ang tama nang bala ko.

"Dad."

Lumingon ako at nakita si Sam, pansin ko na tila nagtatanong ang mga mata niya sa'kin.

"Gising ka na pala." Nilapag ko muna saglit ang baril sa mesa at lumapit 

"Nag-almusal ka na ba?" 

"Anung ginagawa mo dad?" 

"Nagpa-practice lang ako."

"Practice? Para saan, para maghigante?" 

"Sam-"

"Dad alam ko nasa isip mo, pero parang ang hirap naman na pati sarili mo ipapahamak mo pa. Pa'no na kami ni Jove?" 

Pansin ko na pumatak ang luha ni Sam kaya agad akong lumapit.

"Mas lalu ako nasasaktan kapag nakikita kita sa gabi na umiiyak, madidinig ang mga sigaw mo na humihingi nang tulong at tiantawag kami ni Mommy mo." Bahagya pa ako lumapit hinawakan ang kamay niya

"Hindi ako matatahimik, lalung hindi ako mananahimik sa isang sulok na bawat araw na nakikita ko kayong nahihirapan ni Jove."

"Pa'no ikaw Daddy? Pa'no kung mapahamak ka? Lalu kami magiging kawawa ni Jove kapag pati ikaw nawala pa sa amin Daddy." Yumakapa na si Sam at umiyak habang nakasubsob sa dibdib ng ama.

Hinaplos ko ang buhok niya, pati mga anak ko nasasaktan ng husto.

"Hindi ako mapapahamak pangako, palalamigin ko lang ang lahat." Humiwalay ako saglit at tiningnan siya.

"Makinig ka, babalik muna ako sa manila. May mga aayusin lang ako. Ikaw na muna ang bahala sa kapatid mo."

"Daddy, natatakot ako."

"Big girl ka na, bakit ka pa matatakot. Gusto ko na kapag wala ako maging matapang ka, pangako uuwi ako nang ligtas at maayos." Sabay ngiti at halik sa noo niya.

"Promise mo sa Daddy." 

Tumango ako at niyakap na siya nang mahigpit.

~

Dinala ko lang ang mga dapat kong dalhin, saglit akong lumapit kay Jove. Nakaupo ito sa wheel chair.

Saglit ako lumuhod para magpantay kaming dalawa, inayos ko ang buhok niya.

"Anak, sana maging okay ka na para pagbalik ni Daddy. Bibili ako nang maraming cake, maglalaro tayo nang chess. Tapos sasakay tayo sa Horse, di ba gusto mo yun?" Hinaplos ko ang mukha niya, napaiyak na naman ako. Tila tumatagos lang ako sa paningin niya.

"Anak, gusto na kita madinig magsalita." Bulong ko at hinalikan ang kanyang noo.

"Miss na miss ka na nang daddy." 

Nakatingin lang si Sam habang nakayakap ang Daddy niya sa bunso niyang kapatid.

Kahit siya ay naaawa na dito at namimiss na din niya na magising na ang kanyang kapatid.

Tumayo na ako at humarap kay Sam,

"Sam ikaw na muna bahala kay Jove habang wala ako." 

"Opo daddy, mag iingat din kayo." Sagot niya

Tumango lang ako at humakbang na.

"Daddy." 

Lumingon ako, nakita ko na nag flying kiss si Sam.

Ngumiti ako at kinuha yun sabay bulsa.

"Pang pa goodluck Dad." 

"Salamat anak." Muli na ako tumalikod.

"Daddy." 

Kapwa pa kami lumingon ni Sam sa nadinig, agad ko nakita si Jove na kumurap.

"Jove?" 

"Daddy."

Napangiti ako sabay lapit at yakap.

"Jove, Jove nadidinig mo ako?" 

Lumapit na din si Sam at lumuhod para matingnan ang kapatid.

"Jove."

"Ate, Daddy." Sabay tulo nang luha nito.

Kapwa nila niyakap si Jove at ang emosyon na hindi nila maintindihan, basta na lamang lumandas ang kanilang mga luha sa kagalakan.

"Diyosko salamat, salamat." Sabay halik ko muli sa noo niya pinaasdan ito maigi.

"Jove."

"Daddy, si mommy po? Natatakot po ako, madaming monster." Sagot nito.

Huminga ako nang malalim at tumitig sa kanya, 

"Anak, wala nang monster. Pangako papatayin ng daddy ang mga montser, pagaling ka muna maigi maliwanag."

Tumango lamang siya bilang pag sagot.

"Bunso na miss ka nang ate." Sabat ni Sam at lumingon sa Daddy niya.

"Dad, wag ka muna umalis ngayon. Buka na siguro lalu ngayon na okay na si Jove."

"Oo hindi muna ako aalis, halika kumain muna tayo nang cake, di ba gusto mo yun?" 

"Opo daddy." Sabay yakap sa ama.

Binuhat ko naman siya at hinawakan sa kamay si Sam, medyo gumaan gaan ang loob ko sa ngayon dahil okay na ang bunso ko.


#AuthorCombsmania

Father's Downfall (COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon