Father's Downfall
Chapter: 10
"Nakakapagtaka ang mga pulis na yun?" Bulong ko, at sakto na may nakasalubong akong kotse na itim, tila nagmamadali pa ang mga ito sa patakbo.
Pero hindi ko pinansin ang mas binigyan pansin ko dahil ang mga mobile ay papunta sa bahay namin, bigla ako kinabahan kaya mas pinaandar ko nang mabilis ang kotse.
Bumaba ako agad.
"Mr. Javier!"
Hindi ko na pinansin ang pulis na sumalubong sa'kin mabilis akong pumasok sa loob nakita ko si Jove na nakahiga sa strecher.
"Jo-jove." Tawag ko pero hindi ito gumigising
"Sir kailangan na po siya madala sa hospital!"
Hindi ko na na nahabol dahil mabilis nilang pinasok ang anak ko sa ambulansya, kasunod ay si Sam.
Napalunok ako ng sunod-sunod
"Sam!" Sigaw ko din pedo hindi na nila ako pinansin,
"Mika." Bulong ko at lumingon, sumalubong sa akin ang strecher pero may taklob na nang kumot.
Hindi ko alam ang mararamdaman, lalu at alam ko kung sino ang nakahiga doon.
Mabilis ko hinarang yun, kahit hindi ako handa kailangan ko makita.
Tinanggal ko bahagya ang kumot na tumatakip sa mukha nito, agad na nag unahan ang luha ko sa pagpatak.
Tila sumikip ang dibdib ko, anung nangyari? Baki? Mga katanungan ko, yung halik at yakap sa akin ni Mika kanina, yung mga lambing niya yun na ba ang huli.
"Mika!" Sigaw ko sabay angat sa katawan niya
"Mika!" Muli kong sigaw at niyakap yun. Hindi ako makahinga, parang may bumara bigla sa dibdib ko. Sobrang sakit ang sakit na maabutan kong ganito ang pamilya ko.
"Mika , gumising ka please." Bulong ko na patuloy pa din sa pag-iyak at yakap-yakap ko siya wala akong pakielam sa mga umaawat na sa akin.
Hindi ko maintindihan ang mga nagaganap, nanaginip lang ba ako.
Sana nanaginip na lang ako.
~
Tulala ako habang nakaharap sa labas nang ICU, na-commatoes si Jove, at si Sam ay hanggang ngayon ay tulala.
Nakuyom ko ang palad ko, lalu at naiisip ko ang nangyari din kay Mika.
"PJ!"
Lumingon ako at nakita si Papa, kasama din ang ate Racquel niya.
Agad na yumakap si Racquel sa kanyang bunsong kapatid.
Tila hindi ko na napigilan ang emosyon ko at napaiyak na ako ng husto habang nakayakap kay Ate, pakiramdam ko kailangan ko talaga sila sa tabi ko lalu ngayon na tatlong taong mahalaga sa buhay ko ang napeligro ang buhay dahil wala ako.
"Kasalanan ko to, dapat hindi na ako umattend ng meeting."
"PJ." Si Conrad na lumapit na sa kanya.
Kumalas naman ang kanyang Ate.
"It's not your fault, gagawin ko ang lahat nang connections ko para lamang matunton natun kung sino ang gumawa nito." Ang ate niya ang nagsalita.
"Si Mika, iniwan na ako ni Mika. Tapos si Jove, coma pa siya. Panung kung iwan din ako nang anak ko." Sagot ko na napaiyak muli.
"At si Sam, hindi ko pa siya nakakausap. Nagkamalay nga siya pero tulala siya."
"PJ, alam ko nararamdaman mo. Pero kailangan mo muna lakasan ang loob para sa mga anak mo, kailangan ka nila."
Napatango na lamang ako kay Ate, pansin ko na may palapit sa aming doktor kaya agad akong nagpunas ng luha.
"Mr. Javier, medyo matatagalan pa bago humupa ang gamot na tinurok kay Sam. Pero base sa aming pag-aaral, drugs ang tinurok sa anak mo."
Mas lalu ako nanlumo sa nadinig, balak pa yata nila i-high ang anak ko bago gamitin.
"Luckily na hindi siya nagalaw, ayon sa mga test wala naman bahid o pwersahang nangyari sa kanyang kaselanan."
Nakahinga na ako ng maluwag.
"About kay Jove?"
"Matatagalan pa bago magkamalay ang bunso mo, masyadong nabagok ang ulo nitonat mabilis na nabuuan ng dugo. As soon as possible kailangan natin siya maoperahan."
Napatango na lamang ako.
"Excuse me." Paalam ng doktor at agad na tumalikod.
"Susundan ko yung doktor, para ma -scheduled na agad ang operation ni Jove." Sabat ng ate niya
Muli akong tumango, blangko pa din ang utak ko sa mga nangyayari. Kaya napaupo na lamang ako.
"Anak." Umupo na din si Conrad sa tabi ni PJ.
"Pa, anung gagawin ko?" Hindi ko na naman napigilan ang emosyon ko, hindi ko talaga alam ang gagawin ko.
"Hintayin natin na maging okay si Sam, tanging si Sam ang makakasagot lahat nito."
"Pakiramdam ko makakapatay ako, hindi ako titigil hangga't hindi ko nakakamit ang hustisya." Bulong ko at tumayo.
"Saan ka pupunta?"
"Pupuntahan ko lang si Mika." At tuluyan na ako lumakad para pumunta sa morgue.
~
Halos tahimik ang sumalubong sa akin, pansin ko nag iisa lamang ang bangkay na naroroon. Habang humahakbang ako papalapit ay siyang hindi ko maipinta na sakit na nararamdaman.
Muli kong binuklat ang kumot at nakita ang mukha ng babaeng mahal ko.
"Mika." Sabay muling tulo nang aking luha, dinukot ko sa bulsa ng kwintas ng ireregalo ko dapat sa kanya.
"Look, naalala mo eto? Nakita ko kasi na pinagmamasdan mo eto, pero hindi mo binili dahil mas inuna mo ang sa mga bata." Bulong ko at napakagat -labi, hindi ko talaga lubos-maisip na dito ko na ulit makikita ang mahal ko.
Muli ko inangat ang katawan niya at niyakap siya, hindi ko matanggap, isang idlap tila nawala ang kasiyahan sa buhay namin mag-anak. Nilapag ko na muli siya at kinuha ang palad niya, gusto ko hawakan muna yun pero isa ang pumukaw sa akin duon.
"Ely?" Bulong ko, tila kasi iyon ang nakasulat sa palad ni Mika.
Bigla ako napapikit, gusto ko isipin ang mga naganap lalu ang ginawa nila kay Mika.
~
Nang mapansin ni Mika na wala na ang mga ito ay mabilis pa niyang nai-kilos ang mga kamay, kinuha niya ang ballpen na nasa bulsan at sinulat duon ang pangalang Ely sa kanyang palad.
"Sorry PJ." Bulong niya at tuluyan nang pumikit.
Napadilat naman ako, halos napanaginipan ko na ang mga eksenang nangyari sa mag-iina ko. Pansin ko na tulog si Sam, bumuntong-hininga ako, dahil si Jove naman ay sumasailalim ngayon sa operasyon.
"Diyosko kayo na po bahala sa anak ko." Bulong ko.
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
Father's Downfall (COMPLETED STORY)
Narrativa generaleFather' s Downfall Prologue: Naging masaya at makulay ang buhay ni Pj lalu nang makasal at magka anak muli sila ni Mika. Ang kumpleto at masayang pamilya ay biglang mapapalitan na lungkot at sakit sa puso at damdamin niya. Paano nga ba niya malalag...