Chapter: 9

31 2 0
                                    

Father's Downfall

Chapter: 9

Napatingin ako sa relo, halos mag alas-otso na kakatapos lang sa meeting at eto pauwi pa lang ako. Ang dami ko pa talaga inasikaso ngayong araw dahil nga sa mga maiiwan ko na trabaho by nextmonth, kinuha ko ang isang box na maliit. Binuksan ko yun at tiningnan ang kwintas na balak ko iregalo kay Mika,

"Magugustuhan niya eto promise." Bulong ko at mabilis nang nilagay sa bag yun.

~

"Excited na talaga ako sa cake na pasalubong ni daddy!" 

Natawa si Sam habang pababa na sila sa kotse, 

"Girls huwag na kayo masyado mag puyat at bukas maaga tayo magaasikaso ng mga gamit okay!" Bilin ni Mika habang sinususian na ang kanilang bahay,

Sakto din na naka-leave ang mga katulong tanging gwardiya lang mayroon sila para sa pagbukas nang gate, sa labas.

"Opo mommy!" Sabay na sagot nang dalawang babae na nasa likuran ni Mika.

Ngumiti lang si Mika at tuluyan nang nabuksan ang pintuan sabay pasok sa loob, sumabay na din ang dalawang babae.

"Go!" Senyas ni Ely, 

Mabilis na nag maskara ang mga ito at agad na tinakbo ang gwardiya na nakatalikod sabay hampas nito sa ulo nang baril.

Tumalon-talon pa si Aim na tila tuwang-tuwa dahil pinaghahampas niya ito nang baril sa mukha.

Lumingon na siya sa mga kasamahan at sumenyas, kaya mabilis na pumasok ang mga ito.

"Sam! Jove! Kumain na muna kayo!" Sigaw ni Mika, pero agad na nabitawan ang mga dala niya nang makita niya ang mga pumasok na kalalakihan, kapwa mga nakamaskara at may mga dalang pamalo ang mga ito.

"Sino kayo! Guard!" Sigaw niya

"Mommy!" Halos tawag nang dalawa na pababa, ngunit napatigil din nang makita ang mga tao sa sala.

"Umakyat kayo bilisan ninyo!" Utos niya at mabilis na tumakbo pa kusina,

Mabilis din kumilos si Peter at sa hagdan unang tumungo para puntahan ng dalawa.

Nakuha ni Mika ang kanyang  golf stick at mabilis na ipananghampas sa sumunod sa kanya, ngunit may isa pa itong kasama at mabilis na hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Bitiwan ninyo ako!" Sigaw nito,

Agad naman na sinikumaraan ito ni Aim. Na ikinaluhod ni Mika.

"Tamang-tama mahilig pa naman ako sa mga sugar mommy!" Sabay tawa nito,

"Bilisan mo Jove!" Halos isara nila maigi ang kanilang kawarto, pagka lock ay napa atras silang magkapatid.

"Ate!" Takot na takot na si Jove na yumakap sa kanya,  mabilis niyang kinuha ang kanyang arnis na nasa ilalim nang kama.

"Tig- isa tayo!" 

Agad naman na kinuha yun ni Jove, at patuloy lang sila na nakatayo sa kwarto, ang hindi nila pansin ay nasa likod nila si Ely.

"Saan kayo pupunta?" 

Napalingon si Sam at nakita niya ang isang lalaki na nakamaskara.

"Sabi ko naman sayo, kaya ko bilhin ang buhay ninyo."

"Ikaw!" Sigaw niya, pansin niyang bukas ang binatana. Ibig sabihin duon ito dumaan.

"Ate!" 

"Jove, pag sinabi ko na takbo. Tumakbo ka na." Bulong niya, at mahigpit na hinawakan ang arnis na hawak.

Napangiti lang si Ely at umakmang lumapit.

"Takbo!" Sigaw niya at mabilis na hinampas ito nang pamalong hawak.

Nakalabas naman si Jove, ngunit may humarang dito.

"Aggghhh!" Sigaw niya dahil sa sumalubong na lalaking nakamaskara din, mabilis niya itong pinalo pero maagap siya nitong nahila.

"Saan ka pupuntang bata ka!" Sigaw ni Peter

"Bitawan mo ako Mommy!!!" Sigaw ni Jove.

"Jove!" Tila nagkalakas naman ng loob si Mika at mabilis na tinadyakan sa harapan ang lalaking sumikmura sa kanya kanina.

"Bitawan mo ako!" Sigaw ni Jove at mabilis itong kinagat.

"Aagggghh!" Sigaw ni Peter sabay sampal kay Jove napalakas yun kaya nalaglaga  ito sa hagdan.

"Jove!" Sigaw ni Mika nang makita ang anak na duguan na nakahandusay.

Mabilis naman na lumabas si Sam nang madinig ang sigaw ng ina, ganuon na lamang ang gulat niya nang makita ito.

"Jove!" Sigaw niya pero mabilis siyang hinatak ni Peter at sinikmuraan, pero hindi siya nagpatinag. Kailangan niya tatagan ang loob niya.

Hinatak muli si Mika ni Aim , nadamay ang damit niya. Muling isang sampal ang pinadapo dito medyo malakas kaya siya natumba at halos manghina, tinadyakan pa siya nito sa sikmura habang nakatingib kay Jove.

"Mommy!" Sigaw ni Sam ngunit hinawakan na siya nang dalawa, habang palabas naman si Ely,

"Mommy!" Sigaw niya

Ngumisi lang si Ely, lalu nang sumenyas na siya para pahigain si Sam. Hinatak nito ang suot niyang damit, ngunit tumadyak muli siya,pero mahigpit ang pagkaka hawak sa kanya.

"Hindi!!! Daddy!" Sigaw niya dahil na din sa sobrang takot, halos may tinurok si Ely kay Sam. Hanggang unti-unting nanghina ang katawan niya at parang makakatulog.

Habang si Aim ay pahubad na din nang saplot at balak na talagang gawan ng masama si Mika, pero dahil sa sigae ni Sam ay mabilis na tinadyakan muli ito at tumindig. Mabilis niyang dinampot ang arnis na nabitawan ni Jove at nagmamadaling umakyat, nakita niyang malapit na ito gawan nang masama kaya mabilis na hinampas sa likuran ang dadagan kay Sam.

Napaangat si Ely at sinampal ang ina ni Sam, binitawan nang dalawa si Sam at mabilis na hinawakan si Mika.

"Masyado  kang pakielamera Mrs. JAVIER!" sabay tawa nito at may hinugot sa likod, na patalim sabay saksak nito kay Mika, sunod-sunod yun.

"Agghhhh..." Yun na lamang lumabas sa kanyang bibig,

"Pasabi kay Mr. Javier hindi pa kami tapos." Bulong nito.

Napa atras si Mika na manhid ang katawan nakikita niya si Sam na walang malay, ang kanyang bunso na si Jove na nakahandusay. Para siyang nabingi na s amga tawanan nang mga ito.

"Ely, mga parak!" Sigaw ni Aim

Nagawa na ni Sam kaninang tumawag, lalu at may secret alert ang kanilang bahay.

"Bwiset!" Wala na silang nagawa kundi ang mabilis na tumakas. Iniwan na nila ang lahat, si Sam na walang malay, si Mika na bumagsak at duguan maging si Jove na nakahandusay.

Gusto pa sana niyang tangayin si Sam ngunit hindi sila makakatakas sa bintana kapag nagkataon, kaya isa-isa na silang tumalon sa binatana na pinag aralan niya kung paano akyatin.

#AuthorCombsmania

Father's Downfall (COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon