Chapter: 22

28 2 0
                                    

Father's Downfall

Chapter: 22

"Ely, mukhang iniisa-isa talaga nila tayo." Tila may takot na sa boses ni Aim.

"Ganito kasi yung mga napapanuod ko sa movie, kapag napupuno ang mga bida." 

"Tumigil ka nga Aim!" Sigaw ni Ely,

"Eh, eh panu na to. Sino ba kalaban natin?!" Histerikal na din ang boses niya.

"May nag-traidor sa atin dito, sigurado ako dun." Tugon niya dahil bigla din naglaho si Rain,

"Kailangan natin mahanap si Rain, kailangan natin siya pakantahin."

"Pero saan natin siya hahanapin!" 

"Alam ko kung saan siya mahahanap!" Sagot ni Elly

~

"Oh PJ, bakit ka nandito?" 

"Papa naman, syempre dinadalaw ka." Sabay ngiti ko.

"Ngumiti ka na naman." 

"Lunch tayo." Yaya ko kay Papa

Tumitig si Conrad kay PJ.

"Hayss, wag ka mag alala ako ang sasagot!" Naiiling kong sagot sa ama ko.

Natawa naman si Conrad at umakbay na sa anak.

"Okay, sabi mo yan." 

Naiiling naman si PJ.

~

"Kelan pala uuwi ang mga apo ko dito?" 

"Kapag natapos na ang mga inaasikaso ko Pa." Sagot ko habang kumakain.

"Inaasikaso?" Takang tanong ni Conrad.

Tumango lamang ako biglang pag-tugon.

"Mr. Javier!" 

Hindi ako maaring magkamali sa boses na yun, ang boses na hindi nagpapatulog sa anak kong si Sam.

Nakangiting lumapit si Ely at humarap sa dalawa.

"What a coincidence, dito ka pala ngayon nag lunch."

"Coincidence talaga." Sagot ko at tumindig para pantayan siya.

"Mukhang matagal ka na nandito? Since ba nang mamatay si Peter?" 

"Bakit mo naman natanong yan Ely, natatakot ka na ba na sumunod?" 

Napapalipat-lipat lang ang tingin ni Conrad sa dalawa.

Ngumiti lang si Ely, 

Alam ko naman na hindi ka magpapatalo Mr. Javier,

 pero huwag kang masyadong magpaka-sigurado dahil nasa akin pa din ang alas."

"Ikaw ang huwag magpaka-sigurado, dahil malapit ko na mabili ang buhay mo." Sabay ngiti

Ngumiti ng pilit si Ely,

"Enjoy your lunch." Sagot nito at tumalikod na, nakasunod naman si Aim.

Halos humigpit ang hawak ko sa kutsilyo, 

"PJ?" 

"I'm okay Pa." Pansin ko na naupo na sila sa kabilang table kaya naupo

"Gusto mo lumipat na lang tayo."

"Okay lang Pa, kumain ka na." Sagot ko at uminom na lang ng juice.

Father's Downfall (COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon